Saturday, January 26, 2013

PENOMENOLOHIYA SA PAGSASABING “HAY BUHAY”


           Likas sa ating kulturang Pilipino ang pagpapahalaga sa ating buhay. Masasaksihan natin ito sa ating mga pang-arawaraw na gawain na kung saan ang ating sarili mismo angmagsasabi na ang buhay ay puno ng pasakit ngunit ito’y mga pagsubok  lamang.  Sinasabi  pa  nga  natin  na  dapat  itong pangalagaan sapagkat ang buhay ay iisa lamang. Masasabinatin na ang ganitong pananaw sa buhay ay isang matatag napundasyon  sa  pamimilosopiya  ng  bawat  isa  sa  diwang Pilipino. Sa buhay natin may alam tayong mga dakilang kwento tungkol sa mga taong nakapalibot sa atin: ang ating mga magulang, kapatid, kaibigan at higit sa lahat ang atingsarili mismo. Mga kwentong hindi natin madaling makalimutan sapagkat ang mga ito ay naiiba at hindi pangkaraniwan. Ang ganitong mga karanasan sa buhay ay mahirap ng tanggalin sa isipan at ito na rin ang naging kaakibat sa pang araw araw na  pamumuhay.  Batid  nating  lahat  na  ang  bawat  isa  ay nailagay  sa  karanasan  at  ang  karanasang  ito  ay  siyang magbibigay linaw sa atin.  Sa aking sarili ay mayron din akong  mga  karanasan  na  aking  binibigyang  halaga.  Mga karanasang ako ang naging mismong bida. Para simulan ang aking karanasan, marapat na sabihing iba ang pagkabalangkas nito kung ihahambing iba ngunit may magkaparehong kahulugan na ipinababatid o ipinakikita sa ating kaisipan.

            Ang aming pamilya ay simple lamang at hindi gaanong mayaman upang supurtahan ang lahat ng aking mga panganga-ilangan sa ang aking pag-aaral. Marami kaming magkakapatid. Noong  ako’y  magtapos  ng  sekundarya  sa  aming  probinsya, nakaranas ako ng isang natatanging pangyayari sa buhay. Nang magtapos ako ay magkahalong saya at lungkot ang aking dinanas. Masaya ako sapagkat natapos ko na ang sekundarya; napasaya ko ang aking mga magulang, at naipakita ko saaking sarili at sa iba ang aking sariling pagsisikap. Sakabilang dako naman, sa likod ng aking kasiyahan ay may kalungkutan na halos di ko kayang intindihin at ipadama sa iba. Iniisip ko kung ano ang aking gagawin pagkatapos ngsekundarya at anong uri ng buhay naman ang aking tatahakin sa susunod. Hindi ako mapakali sa mga panahong iyon at lagi kong pinipili na mag- isa. Hindi ko naiwasan na tanungin ang aking sarili sa tuwing ako ay walang kasama at kung minsan ay kinakausap ko rin ang aking sarili sa pamamagitan ng sariling diyalogo. Baliw man isipin ang pangyayaring iyon ngunit hindi ko kayang baliwalain sapagkat yun ang katotohanang nangyari sa akin. Sa madaling salita, ako ay nakaranas ng isang masalimuot na buhay sa panahong iyon at hindi  ko  kayang  maipahayag  o  malutas  sa  panandaliang panahon lamang. Lagi kong pinipiling mag-isa at lumiban sa mga gawaing kasama ang lahat ng miyembro ng pamilya. Hindi ko rin maiwasan na tanungin ang aking sarili kung saan kaya ako patutungo pagkatapos ng lahat ng ito. “Bakit ako aynalagay  sa  ganitong  sitwasyon?,  Bakit  nangyari  ito  sa akin?, Bakit ganito ang buhay ko at hindi ganyan?, Bakit ako pa at hindi sila?, Ano ang dapat kong gawin?, Ganito baang katotohanan?”

          Ito ay ilan lamang sa mga tanong na aking binigyang  tuon.  Hindi  ko  maipagkait  na  marami  akong pagtataka at mga “bakit” sa panahong iyon. Paminsan-minsan nakikita ko ang aking sarili na nagtatanong kung may Diyos ba sa aking buhay. Sa ganitong  pangyayari  nagkaroon  ako  ng  krisis  sa aking sarili at lagi na lamang may halong pagtataka at mga di  pangkaraniwang  tanong.  Mga  tanong  na  kadalasan  ay binabalewala ng karamihan sapagkat hindi nila gusto. Sa ganitong karanasan, nasabi ko sa aking sarili na nakaranas ako ng isang kumplekadong uri ng pamumuhay. Nalaman ko sa aking sariling pangkaisipan na ako ay may dalang kakaibang kaganapan. Sa aking pagkikilatis at matinding pagsusuri may mga kasagutan  ding  umiiral  subalit  ito’y  hindi nangangahulugan  na  tapos  na ang suliranin.  Unti-unting umiral ang magkakaiba at magkabaligtad na kasagutan dulot ng masusing pagsusuri sa aking sarili. Lumalim ang aking kaisipan dahil sa kasalimuotan ng buhay. Wala akong ibang magawa at masabi sa aking sarili kundi ang bigkasin nang may  kalaliman  at  sa mahinahong  pamamaraan  ang  katagang“hay, buhay!.” Maliban  sa  aking  karanasan,  mayron  ding  akong  mga narinig at napansing mga kwento at kaganapan na magkatulad ngunit magkaiba ang struktura sa pagkakaganap. Marami akong narinig na mga kaibigan na nag-uusap tungkol sa kanilang mga sitwasyon at ang kumplekasyon sa buhay. Habang angusapan ay lumalalim lumabas ang mga katotohanan sa bawat isa. Sa huli, wala silang masabi kundi ang “hay buhay” namay halong tawa at pagtataka. May nakatagpo rin akong mga kaibigan  na  bigla  na  lamang  yumuko  at  sabay  sabi  samahinahon na paraan “hay buhay”. Ang iba naman ay dinadaan sa pabirong paraan. Dito napansin ko ang iba-ibang istilosa pagkaganap ng karanasan at ang magkakaibang damdamin ng pagpapahayag.

            Para makuha kung ano ang tunay na ipinahihiwatig samga magkakaibang karanasan ay gagamitin ko ang pamamaraang penomenolohiya. Ang  unang  hakbang  sa  penomenolohiyang pamamaraan ay ang pagsususpindi o ang pag-alis ng aking kasalukuyang  opinyon,  kaalaman,  o  posisyon  tungkol  sa pagsasabi sa katagang “hay buhay”. Dito pinapanatili ko ang aking pagiging neutral at walang pinapanigan na posisyon na nababatay  sa  ganyang  karanasan  sa  buhay.  Sa ganitong paraan, pinairal ko ang isang nangingibabaw na natural nakaugalian ukol sa naganap na pangyayari. Sa hakbang na ito, ginagamit ko ang pagbabaliwala o ang pansamantalang pag-alis ng aking sariling kaalaman para maging bukas ako sa aktwal na realidad sa orihinal na karanasan. Sa madalingsalita, iniiwasan ko na magkaroonng pinapaborang posisyon. Sa  ganitong  paraan,  makukuha  ko  kung  ano  talaga  ang ipinahiwatig  at  nais  iparating  nang  nasabing  karanasan. Pinapairal ko ang tanong, “Ano ang ipinahihiwatig ng ‘hay buhay’ upang maging daan para sa pangalawang hakbang ngpamamaraang penomenolohiya.” Ang susunod na hakbang sa pamamaraang penomenologo ay ang pagkuha sa tiyak na kahulugan sa naturang pangyayari(eidetic  reduction)  o  ang  pagkukuha  ng  tunay  na  diwa(essence). Para makuha at marating ang karurukan sa kabuuan ng karanasan kinakailangang palalimin ang pangingilatis at masusing  paghahanap  hanggang  makuha  ang  pangwakas  na sentralisadong kaalaman at tunay na diwa sa pangyayari. Sa mga  karanasan  ay  may  pagkakaibang  struktura  ang pagkakaganap at damdaming lumalabas. Ano ang pagkakaiba sa aking  karanasang  ng  mga  naganap  sa  iba?  Ano  kaya  ang ipinahihiwatig ng pagsasabing “hay buhay”? May pagkakaibaba sa kahulugan nito kung may pagkakaibang damdamin ang ipinapakita  sa pagpapahayag?  Sa  palagay  ko  ay  walang ipinagkaiba sapagkat pareho ang kahulugan ng mga sinasabi. Hindi  na  batayan  kung  paano  o  sa  anong  paraan  ito binibigkas ng indibidwal.

           Sa madaling salita, isa lang ang patutunguhan  ng  nasabing  kataga  maging  sa  masaya  o malungkot sa sitwasyon. Sa kabilang dako, masasabi kaya n gisang tao ang ekspresyong “hay buhay” kung wala siyangdahilan?  Maliban  kung  sasadyaing  sabihin,  ang  sagot  ay hindi talaga sapagkat ayon sa eksistensyalistang si Maurice Merleau- Ponty, ang isang hagap sa isipan ay nabubuo satulong ng mga salita.  [Thought seeks the word for itscompletion].  Bago  pa  man  maibigkas  ang  salita  ay  nasaisipan na ito ng tao at nangangailangan ito ng salita para maging  buo.  Dito  ang  karanasan  sa  bawat  isa  ay  may magkatulad  na  ipinahihiwatig.  Bawat  isa  sa  kanila  nanakakaranas ay may alam sa mga nangyari sa kanila at angpagsasabing  “hay  buhay”  ay  ang  ekspresyon  na  bunga  ng kanilang pag-iisip. Bilang resulta sa pag-iisip ng bawat isa tungkol sa mga naganap sa kanilang buhay ay malinaw na sinasabi na ang salitang “hay buhay” ay naging instrument sa pagpapalabas ng damdamin. Ang wika ay siyang nagiging tulay sa pagpapahayag ng indibidwal. Sa madaling salita, ang  kahulugan  ng  “hay  buhay”  ay  hindi  nakabase  o nakadepende sa kung sino at paano ito ipinahayag. Bagkus, ang tunay na diwa ng pagsasabi nito ay ang pagkamalay sa sariling  kaalaman  na  siya  ay  umiiral  sa  mundo  at  ang sariling pagkakabatid sa kanyang pagiging tao na kung saan hindi siya nanatiling inosente sa mga katotohanan ng buhay. Ang  pagsasabi  ng  “hay  buhay”  ay  hindi  nangangahulugang hindi niya gusto ang buhay; sa halip ay nararanasan niya kung  ano  ang  buhay  at  ang  tunay  na  realidad  nito. Kailangang  makaranas  siya  ng  kumplikasyon  na makakapagbibigay-lakas sa pag-alam kung ano ang buhay. Saganitong  karanasan  ay  sinusubukan  o  nasusubukan  niyang alamin kung ano ang mga nangyari sa kanyang sarili at natatanggap niya na sa pagiging tao ay may kanya-kanyang kakambal na kumplikasyon sa buhay na dapat maranasan tungo sa sariling kaunlaran. Dagdag pa nito, malugod na tinanggap ng indibidwal ang katotohanan kung ano ang buhay at ano naman  ang  kaugnayan  sa  mga  kumplikadong  sitwasyon  nanangyayari  sa  kanya.  Ang  nangyari  sa  akin  ay  ang pagkakakilanlan ko sa aking sarili at ang pagpapalalim nito sapagkat  ayon  kay  Emerita  S.  Quito,  isang  Pilipinong pilosopo,  ang  mabuting  pag-iisip  ay nagreresulta  sa mabuting pamumuhay. [To think well is to live well].

       Sapamamagitan ng malalim na pag-iisip tungkol sa ating sariliay  magkakaroon  ng  kasiya-siyang  buhay.  Sa  kabuuan,  ang taong nagsasabing “hay buhay” ay hindi ibig sabihin na ayaw na  niya  sa  mundo  at  hindi  na  niya  kayang  mabuhay  sa kumplikadong  sitwasyon.  Ang  pagsasabi  nito  ay  bunga  ng matalinong pagsusuri kung ano ang kahulugan ng buhay atmalinaw na naintindihan niya ito. Dahil dito inaalam niya muna kung ano ang buhay at makakapagmunimuni siya kung ano ang mga hakbang na dapat gawin para makamit ang tagumpay. Sa  pagsasabi  nito  masasalamin  natin  kung  ano  ba  ang konsepto ng buhay para sa bawat mamamayang Pilipino. Sa  pamamagitan  ng  una  at  pangalawang  hakbang mararating ko ang pangatlo at pangkabuuan sa nangyari. Saparting  ito,  dito  matatagpuan  ang  buong  katiyakan  sa pangyayari- ang aking pagkamalay sa aking sarili, na ako pala ay bahagi ng karanasan sa pagsasabing “hay buhay”.Napag-alaman ko na ako ang pangunahing ugat at sanhi para maging makatotohanan ang karanasan. Ang aking pagsasabing “hay  buhay”  ay  nagkakaroon  ng  sariling  kamalayan  sasariling kalooban. At dahil sa aking kamalayan binibigyan ko ng kahalagahan ang aking karanasan at idinidiin ko kung gaano iyon kahalaga sa aking sarili.

            Sa pamamamaraang penomenolohiya, napagnilay-nilayan ko na ako ay may bago at malalim na pamamaraan sa pagtanaw sa  pangyayari,  ang  pagsasabing  “hay  buhay”.  Ngayon,  sanasabing pangyayari ay nakikita ko na iba na ang akingkaisipan at ipinapakita ang sarili ko mismo sa ibang paraan. 

No comments:

Post a Comment