Tuesday, February 26, 2013

Dati ang kulit natin mag-usap, ngayon formal na ulit!

Naramdaman o naranasan niyo ba yung ganitong pakiramdam? Na may isang tao ka dating nakakakulitan lagi, nasasabihan ng problema at kung ano-ano pang kalokohan na nangyayari sa inyong dalawa. Pero bigla itong nawala? Dahil siguro sa nagkulang ang isa at may pride tong isa? Di natin alam eh, sa rami ng posibleng dahilan eh wala tayong alam na ni isang kasagutan.

Nakakamiss balikan yung ganun, pero hindi mo alam paano ibalik. Dahil sa sobrang lamig ng pakikipag-usap niya sayo. Para bang bumalik lahat sa dati na pormal na pag-uusap. Pagkatapos ng salitang “kamusta ka” eh “okay lang” ang isasagot niya. Tapos ang usapan.
May mga araw pa nga na kung mag-usap kayo  eh may kasama laging mura. Tapos ang usap niyo lagi eh may “hahahaha” sa huli dahil alive na alive ang pagsasama niyong dalawa. Pero dumating sa puntong naglahong parang bula..

Wala ng susunod na pag-uusap, wala ng kasunod na tanong. Dahil sa alam mong wala na siyang interes sayo makipag-usap. Kaya ikaw.. Hanggang reminisce na lang. Balik tanaw sa masasayang nakaraan…

No comments:

Post a Comment