Kahit
kailan hindi ito makukuntento, totoo yan, palaging maghahanap ng iba yan. Ang
taong nasabing nakuntento na ng husto eh pwede na sigurong mamatay. Wala na
siyang gusto sa buhay niya eh, kuntento na siya, maaring masama pagkakasabi ko
pero may pagka methapor lang yan. Ganyan talaga ang Pinoy, demanding tayo eh.
Tignan
mo ha
- Ang kulot nag papa straight ng buhok.
- Ang straight naman nagpapakulot ng buhok.
- Ang taong mapuputi gusto maging morena.
- Ang mga taong kayumanggi naman eh gusto maging maputi.
- Ang taong mahirap eh walang pinagkaiba sa taong mayaman, pareho silang nangangarap ng malalaking bagay, syempre parehas lang naman tao yun eh, yun nga lang mas nagsikap yung taong mayaman kaya ang tanging pinagkaiba nito eh yung posibilidad na pangarapin ng bawat isa.
- Yung taong maliliit minsan gusto tumangkad.
- May mga taong matatangkad naman na hiniling na sana lumiit sila ng onti.
- Dati single ka naghahanap ka ng karelasyon.
- Ngayong taken ka naiinggit ka sa mga taong single. ano ba talaga ate/kuya?
Mainam
ang ikot ng mundo, sadyang magulo. Tila hindi lang climate change ang
naapektuhan, pati ata mind shift ng tao eh naapektuhan na rin. Basta marami
pang bagay tayong hinihiling sa tuwing nakukuha natin yung gusto natin, patuloy
at patuloy na dadating ang demand mo sa sarili mo.
Maaari
kang magdemand sa sarili mo, gamit na gusto mo, bagay na gusto mong gawin ng
tao sayo.
Minsan
nga pati atensyon ng tao eh hindi rin nakukuntento, may mga taong patuloy na
nagpapansin dahil sa tingin nito na kulang pa ang atensyon na binibigay
sa kanya.
...salamat sa pagbabasa!
...to read more, you can click the HOME.:)
No comments:
Post a Comment