1.Maaring nakakaantok magturo ang professor. - dahil
sa style niya ng pagtuturo, marahil napaka oldies ng pagtuturo niya,
maaring puro pareport ang ginagawa niya, pwede rin namang nakaantok ang
boses niya, posible rin pumasok dito ang aura niya bilang professor na
nakaantok talaga, pwede rin sa sobrang tahimik ng klase. Maraming paraan
para antukin (instead of saying na maraming dahilan kung bakit ka inaantok sa klase). :)
2. Hindi ka interisado sa subject. - Isa pa itong
problema, minsan hindi ka interisado, madalas mong isipin kailangan ba
to sa trabaho ko sa darating na panahon? Marami kaya akong mapapala
kapag sineryoso ko to? Masyado na kasing naka mindset sayo yung
salitang, MINOR lang naman yan eh, pwes kung baguhan ka palang tandaan
mo na mas maarte pa ang MINOR na subjects na yan. Eh kahit P.E nga, kinacareer ng instructor...dinamotan ang pagbibigay ng grade kasi daw yun lang ang standard niya. Hindi man lang naisip na dito umaasa ang stundyante na kahit papaanu makakuha ng mataas na marka. Teng-eneng na yan!
3. Napuyat dahil sa TV - Dahil mahilig kang manuod
ng TV simula alas siyete eh nakaupo ka na dahil nanunuod ka ng
Telenovela sa Kapamilya Network o kaya naman ng mga palabas sa Kapuso at
Kapatid Network, dahil inaabangan mo ang mga singkit na tao na lumabas
sa telebisyon, handa ka na ulit para kiligin at makipagkwentuhan sa mga
kaklase mo kinabukasan, yun nga lang ang problema antok ka sa klase.
4. Maraming Projects, Assignment, Reports, Plates, Powerpoint Presentation, Thesis - Hell
ang highschool? Inferno naman ang college kapag dumating ka na sa punto
ng nagsabay sabay ang professors mo nagbigay ng reports, quizzes at
dahil diyan kailangan mo pang mag review, pero ano ginagawa mo? Minsan
hindi mo maalis ang computer sa sarili mo, mag cocomputer ka ng ilang
oras tapos hindi mo pa pala natatapos yung ginagawa mo. Kailangan mo
pang pagandahin ang powerpoint presentation mo dahil sa idedefend mo
ang thesis mo. Isama mo pa ang mga walang sawang professor na nagpapa
Assignment ng isang buong Chapter. Cool! makiki RAKENROL na lang ako kay
KikoMachine.
5. Ikaw ang may kasalanan. - Bakit ikaw ang may
kasalanan? Papaano pinuyat mo ang sarili mo para makipag i love youhan
sa karelasyon mo, makipagkiligan at makipagpalitan ng cheesy lines sa
crush mo, o kaya naman computer ka ng computer, o sige idamay mo ang blog spot, isama mo na ang facebook at ibat-iba pang social networking
sites na masisisi mo. Isa sa mga dahilan bakit ka inaantok dahil kulang
ka sa tulog. Kulang ka sa disiplina sa sarili mo, umpisahan mong matulog
ng maaga, kapag pinipigilan ka ng mapanuksong aura ng computer, i
shutdown mo ito, edi tapos, patay ang computer, makakatulog ka na ng
maayos, YEHEY! Palakpakan.
“Maaring kaya mong magising, ang tanong dito kaya mo bang kunin lahat ng impormasyon na maaring ituro sayo ng guro habang antok ka
sa loob ng klase? Sa tingin ko hindi.
...tandaan mahirap labanan ang antok kaya hangga't maaari iwasang gumawa ng mga bagay sa gabi na ikakaantok mo sa klase...:)
gets mo?
...salamat sa pagbabasa!
No comments:
Post a Comment