Sunday, February 03, 2013

kapag magmove on ang lalake...!




  • Nanlalandi - hindi para pababain ang sarili, kundi punan ang puwang ng pusong uhaw sa pagmamahal.
  • Ginagawang busy ang sarili - naghahanap ng ibang pagkakaabalahan, sumasali sa mga kakaibang activities, kung adventurous type kang lalake, ang mga papasukin mong gawain ay Airsoft, bungee jumping, mountain climbing at marami pang iba.
  • Kung blogger ka naman na lalake - wala kang gagawin kundi ikwento ang nararamdaman mo. Kung ano ang mga nasa isip mo, mga bagay na gusto mong baguhin sa buhay mo at sa sarili mo bilang tao.Minsan naman magmumukmok ka na lang sa isang sulok  o hindi kaya matutulog na lang para paggising okay na...(ako yan)
  • Maging masaya - madalas silang sumasama sa kaibigan nila na malalambing sila,mga kaibigan na malakas ang trip, mga kaibigan na maiintindihan,maalagaan at ang kaibigang mapapayuhan sila.
  • Pagtanggap - ito na ata yung huling magagawa ng lalake para mag move on. Tatanggapin na lang na wala na, tatanggapin na lang na nangyari na. Ano pa nga naman magagawa mo diba? Kung mapipilit mo ba, mamahalin ka pa ba niya? Mahirap kasi kung mananatili ka na lang lagi sa denial stage...nakakadepressed yan!
  • Kapag may bago nang love life- syempre bagong lovelife na ulet yan e, edi kilig kilig na naman si utoy niyan. Magmamahal na siya ulit, manliligaw na siya ulit.

 Goodluck sa susunod na lovelife kaibigan!



No comments:

Post a Comment