Nasaktan na kasi ako ng ilang beses. Kaya
yung taong mamahalin ko hindi ko sasaktan. Alam ko kasi yung pakiramdam. At
ayaw kong maramdaman niya yun. Hindi ko sinasabi ito para may isang babae bigla
diyan na magparamdam sakin na mamahalin niya ko. Dahil nabasa nilang hindi ko
sila sasaktan. Meaning is, hindi ako gagawa ng mga kagaguhan na maaring
masaktan siya or mga bagay na ikakaselos niya in the sense na alam ko na rin
naman yung mga bagay na posibleng ika selos ng tao. Bakit mo sasadyain? Kung
pwede naman iwasan yung mga bagay na yun.
Siguro one thing na natutunan ko sa mga past
na nangyari sa buhay ko eh meron akong pagkukusa. Yung hindi na nila kailangan
sabihin kasi gets ko na. Maaring sobrang landi ng nakikita niyo sakin ngayon.
Wala akong magagawa, yun ang benefit ng pagiging single eh. Pero kapag nakita
niyo naman na taken ako. Sobra ko siyang ipagmalaki. Hangga’t pwedeng iwasan eh
susubukang iwasan.
That’s life. Hindi ako humihingi ng kapalit
kapag nagmamahal. Bibigay ko at ipagmamalaki ko sila. Kahit na sa maisipan
nilang iwan ako sa huli? Ang mahalaga dun eh naging parte sila ng buhay ko.
Naipakita ko paano ako magmahal. Kapag nawala sila sa buhay ko edi alam kong
hindi sila ang taong para sakin. Babalik ulit ako sa umpisa na maghahanap lang
ulit. Ang panget lang sakin eh I don’t give 2nd chances. Nasaktan na ko eh,
kahit na handa silang magbago. Wala na, nagawa na nila yung bagay na ayaw kong
mangyari eh. Ako yung taong tinatanggap na lang agad ang lahat ng bagay na panget
na nangyayari sa akin.
No comments:
Post a Comment