Friday, February 22, 2013

MAGULONG PAG-IBIG..:(

Minsan mapapatanong ka na lang talaga sa sarili mo bakit kaya hindi ka siniswerte sa pag-ibig. Tipong kilala mo ang sarili mo na kaya mong ibigay ang gusto nila. Kapag titignan mo naman ang sarili mo, masasabi mong may itsura ka at ang itsura mo eh hindi pang jejemon. Ayos ka manamit at normal kang pumapasok sa Paaralan kaya masasabi mong edukado ka na rin kahit papano. 

Tapos kapag titignan mo sa paligid mo, yung mga tao eh naghahanap ng qualities na meron ka. Pero patuloy na walang nagkakagusto sayo. Gusto nila ng taong masayahin. Alam mo sa sarili mong masayahin ka. Hindi mo alam kung plastik yung mga nasa paligid mo oh katulad mo lang rin silang pilit pinipilit yung mga taong hindi sila gusto. Iba nga naman kasi ang feeling kapag nabaling mo yung atensyon nung taong walang may pakialam sayo eh. Pero nakakaloko talaga minsan no?
Kapag titignan mo ang positive side nito. Para bang, sobrang worth it ka sa isang tao kaya hindi ka binibigay sa parang wala lang? O naghihintay lang rin tayo ng taong pang matagalan talaga. Pang matagalan na hindi yung magiging kayo for many years tapos maghihiwalay ah? Yung masasabi mong sayo talaga hanggang pagtanda. Bihira mo pa mararamdaman ngayon yun eh. Sa edad natin ngayon? Sa Age Bracket natin na ang uso lang talaga eh landian landian lang. Kasi dun nag eenjoy ang tao eh.

Kasi nga, ang prefer ng tao ngayon is yung maattract lang. Hindi yung magmahal. Gusto nila yung kinikilig lang, pero ayaw nila nung minamahal sila. Gusto nila kapag pumasok sila sa relasyon, pati mga kaibigan nila kinikilig sa kanila. Kumbaga, ilalagay nila yung mga syota nila sa istante dahil gusto nila ng mga relasyon na pang display lang. Nag-iba na ang ikot ng mundo eh. Iba na ang pagkakaintindi ng mga tao kung paano magmahal. Di na uso ang mabait. Uso na ngayon yung may itsura, tapos papakisamahan na lang. Kaya maiisip mo na ok na lang maging stayput eh. 

Dahil kapag stayput ka. Masaya ka lang palagi. Pero may time na malulungkot ka. Pero panandalian lang naman. Makakakita rin tayo. Hindi man ngayon, malay natin? Bukas? O kaya naman sa mga susunod na araw. Huwag lang mawawalan ng pag-asa. :)

No comments:

Post a Comment