Haha/Hehe ( 4 na letra)- eto ang matindi, after mo
magjoke o kaya magpatawa sa isang reply, kapag ang nireply lang sayo ng
katext mo ay HAHA, punyeta, anung masarap i reply dun? Wala diba? Hindi
mo na rin siya itetext, isang salita rin na mahirap replyan, mga panapos
ng conversation yung mga ganito eh, kapag nakatanggap ka ng ganito,
gantihan mo ng blank message. o kaya ng ..!.. message.
WEH ( 3 letra ) - Magtatanong kung anong nangyari sa
araw mo, tapos kapag sinabi mo na pagod na pagod ka, rereplyan ka ng
weh, punyemas ang sarap lang kotongan ng mga nagrereply sayo ng ganito,
para bang simpleng pambabasag na pagdududahan ka pa kung barbero ka.
Mabuti pang wag na lang ulit replyan.
GE (2 letra)- Paano mo rereplyan to? Diba kapag
sinabi mong GE ang pahiwatig nito ay pagpapaalam. Diba ang badtrip kapag
sinabi mong TEXT TAYO? Tapos ang reply sayo GE. Sa tingin mo ba gaganahan ka pang i text siya? Itulog mo na lang siguro?
K (Isang Letra)- sino pa ba ang
hindi nakakatanggap ng letrang ito? Talaga nga naman napakalupit ng
tadhana kapag nareplyan ka ng ganito, parang pinabuhat sayo ang langit
at lupa, parang lahat na ng panlalait ginawa sayo. Yung napakarami mong
sinabi, yung napakarami mong binaggit, tapos ang isasagot sayo K.
Madalas mo matanggap to sa mga magulang mo, kapag nag paalam ka, o kaya
may nakatampuhan na minamahal. Ang lupit, dati naman hindi uso to eh,
ewan biglang naging isang letra nalang. Dati paartehan pa ng K. Minsan okay, okei, okei,khay, okh3i.
Kaya minsan masarap ka text ang mga jejemon, dahil ganado mag text,
ang mga simpleng OPO eh nagiging Ofu3sZ. Ang mga simpleng Kamusta eh
nagiging k@muZtaH?!
No comments:
Post a Comment