Tuesday, February 19, 2013

MGA URI NG NARARAMDAMAN NG ISANG NILALANG NG PAG-IBIG..:)

Crush - ito yung mga taong hindi alam kung paghanga o pagmamahal na ba ang nararamdaman nila sa taong gusto nila, ito ang madalas na pagtalunan ng puso at isipan, isang magulong salita na kailangan ng kasagutan.

Hanggang friends lang - ito yung kahit anong effort ang gawin mo, hanggang friends lang talaga ang kayang ibigay ng taong mahal mo, tipong wala eh, hindi ka niya type o kaya committed na siya kaya hindi na pwede, malay mo onting hintay pa eh kayo naman, kaso hahayaan mo bang maging martyr ka? Baka mag pari/madre ka diyan kakahintay sa isang taong hindi sigurado ang kinabukasan ng puso mo.

I love you everyday - ito yung taong talaga namang wagas magmahal, pag gising mo sa umaga kakamustahin ka, tutulog ka sa gabing mensahe pa rin niya o boses ang maririnig mo sa kanya, ito yung mga taong pasimple lang magparamdam, tipong walang effort kasi kahit papano may nararamdaman ka na rin sa kanya.

Pakipot Effect - ito yung ugali naman ng isang tao na gusto niya yung taong nanliligaw sa kanya o kaya yung taong may gusto sa kanya pero nagpapakipot siya, tipong pinapahirapan pa niya yung taong nagmamahal kahit na nararamdaman na niyang concern ito, minsan ang mga taong pakipot ang nasasaktan sa huli dahil pakipot ng pakipot, ayun nagsawa yung taong nagmamahal sa kanya ayan tuloy iniwan sila.

Paasa - ito naman yung mga taong ang daming sinabi sayong magagandang bagay tapos sa huli eh bigla kang iiwan, akala mo oxygen ang mga sinab niya sayo, yun pala carbon dioxide na nung nailabas puro kalokohan, walang magandang maitutulong sa pagkatao mo. Tipong akala mo malapit na yung hinahangad mo tapos mapuputol lang basta basta.

Wagas Magparaya- ito naman yung mga taong handang masaktan para sa taong minamahal,  ito yung mga taong walang inisip mapasaya lang yung taong mahal nila, ito yung taong dapat bigyan ng medalya at kung isa ka sa mga kaibigan nang nagparaya, eh gusto mo itong sabunutan at pagalitan dahil ikaw mismo ang naawa sa nararanasan niya. Ang tanging gusto lang ng mga taong ito eh magmahal kahit hindi na sila mahalin pabalik.

...lahat ba yang mga nabanggit ko ay naramdaman o naranasan mo na kaibigan? Kung oo, eh aba'y swerte ka...hahaha. mas malawak ang iyong karanasan at kaalaman pagdating sa ganitong uri ng usapin.

...saludo ako sayo nyan!

...to read more, you can click the HOME.:)

No comments:

Post a Comment