Monday, February 11, 2013

NAKAKAMISS YUNG CLASSIC NA FB



Yung onti palang tao. I mean di ganoong ka crowded.

Yung hindi pa masyado naayos. I mean ung simple lang na facebook dati.

Ano ano ba ang mga ito?

Na ang tanging makikita mo sa wall mo ay mga Quiz sa ibat ibang applications.

Pag may nag wallpost sayo sobrang saya mo na.

Kahit onti notification dati siguradong may katuturan.

Pag may nagtag sayo siguradong may katuturan. At related sayo.

Yung mga oras na uso pa ang friends for sale.

Yung mga oras na uso pa ang pet society.

Yung mga oras na uso pa ang mafia wars.

Yang tatlong yan ang mga dahilan bakit online ang mga ibang kaibigan ko.

Nakakatuwa pa dati sinusunod ko yung mga apps dun. Kunwari may mga quiz dun. Kung anong klaseng tao ako dati. Kung ano personality ko.

Marami nang nabago. Ano ang mga naiba.

Dumami ang fanpage.

Dumami ang mga nag tatag ng walang katuturan.

Biglang nagkaroon ng likepage. or like website.

Nagtataka ka ang daming notifications. yun pala tagged photo of you lang.

Nauso ang Friends Buzz na yan... Who is following you at yung na Top Fans na yan. May picture pa. 

May mga taong nag tatag na nang picture sayo para sa mga business nila. Like Pyramid, Networking, beauty equipments. atbp. 

Dumami ang Facebook virus. May mga biglang mag PPM ng link.

Jejemon Invades Facebook. Pero tao lang rin sila ok lang yun. Walang problema sakin dun. Ang problema. yung maangas na tao. Kala mo sino silang hari ng mundo. 

Nagkaroon na din ng mga Promo for Promo na hindi mo malaman kung saan nanggaling.

Nagiging It’s all about the Number of Followers na rin ang batayan ng pakikipagkaibigan.

AT PINAKA HULI SA LAHAT.

NAGING ISNABERO NA HALOS LAHAT NG TAO DUN :)

Kala mo naman kung sinu…hitsura nito! hahaha

No comments:

Post a Comment