Ito ang bagong pahina ng buhay
natin. Bagong Chapter. Gawin ang lahat ng makakaya. Gawin mo ang best mo.
Isipin mo na na reincarnate ka at gusto mong itama lahat ng pagkakamali mo. At
ito ang ilang tips sa Bagong Taon na ito.
Magbasa
para magkaroon ng ideya.
Bagong
taon na naman ang darating, isang taon na naman ang lumipas, kanya kanyang New
Year’s Resolution, kanya kanyang haka kung totoo nga ba ang End of The World sa
darating na 2012 pero may tsokolateng mag eexpire sa 2014, mag uumpisa na naman
magkamali ang mga estudyante sa date na 2013 na at hindi 2012. Isang taon kasi
nasanay kaya ayan nagkakamali pa rin ang mga estudyante.
Ano
pa nga ba ang magagandang gawin ngayong paparating na ang bagong taon?
- Mag desisyon ka na kung mag eexercise ka na - Para ito sa mga matataba/gusto maging malusog nating kaibigan, kung matagal mo ng pinaplano ang pag papapayat ito ang pinakamagandang taon para simulan ( kahit na hindi dapat every new year lang naiisipan ito ). Dahil nga sa bagong taon, bagong itsura at gusto mo ulit ng kakaiba na babago ng hubog at ng itsura ng sarili mo. Gusto mo iba ka noong nakaraang taon, dahil sa inabuso mo ang kanin at pinarusahan ang kaldero. Eh sa tingin ko eh dapat mo na nga gawin ito. Nasasayo kung mag GYM ka o kaya naman tamang TAKBO lang. Good for the heart you know?
- Ang lahat ng problemang nangyari noong 2012 ay sa 2012 lang -Maawa ka naman sa sarili mo kung gagawing bisita mo ang problema sa darating na 2013. Ito ang taon para maging masaya, ito ang taon na magsisilabasan ang ligaya. Ito ang pinaka the best na pagkakataon para mag desisyon sa sariling iiwanan mo na lahat ng problema sa darating na bagong taon.
- Mag-ingat sa paputok sa labas man ito o sa loob - aba ayaw mo naman sigurong umpisahan ang bagong taon na putol ang daliri, walang nabibiling daliri sa mga suking tindahan. Wala sa Watsons, Wala sa mall na tulad ng ATC, Trinoma o kaya ng MOA. Isang beses ka lang magkakaroon niyan. Tapos blogger ka pa? Paano ka mag type niyan kung sakaling maputol ang iyong daliri/kamay? Mahirap na, mahirap ang walang kamay. Yan na nga lang kakampi mo minsan sa bahay eh.
- Tumurotot ka na lang at iwasan maputukan - bukod sa hangin lang ang iyong gagamitin, at ang trabaho mo lang eh umihip hindi bat the best at safe ang torotot? bukod sa gumagawa ito ng ingay eh hindi ka pa mapuputukan. Sobrang safe pa at hindi ka kakabahan pagkatapos.
- Lumundag ka baka may pag-asa yung tatangkad ka - ito yung nakagawian tuwing bagong taon, ang mag luksuhan, ang maglundagan tuwing sasapit ang bagong taon. Umaasang tatangkad pa sila kahit na wala namang ideya ang katawan natin na Bagong Taon na pala. Nasa lahi yan, kaya kung medyo maliit ang lahi. Eh swerte mo na lang kung tumangkad ka pa.
- Subukan mong bumili ng Planner - Organize mo ang sarili mo ngayong taon, ang sarap mag umpisa dahil papatak na naman ang unang Date sa Kalendaryo, sabayan mo ang mga Fireworks na makikita mo sa mga TV dahil may News Coverage ang mga ito. Sapat na yung mumurahin na PLANNER. Hindi mo kailangan ng mamahaling planner sa mga sikat naCoffee Shops para maging organize ang buhay mo. Sapat na yung mga mumurahin lang. Mananaba ka lang sa pinag gagawa mong pag kolekta ng stickers ng kalokohang Planner na yan. May mga libreng planner palang nagsikalat diyan, mga libreng planner mula sa magazines. Pwede namang wala nito, pero iba lang yung pinapaalala mo sa sarili mo yung mga dapat mong gawin.
- Set your Goals and Priorities again - Dapat alam mo pa rin kung ano ang gusto mo sa buhay. Dapat alam mo kung nasa tuwid na daan ka pa rin ba o naging Zigzag na. Mag desisyon ka sa sarili mo kung ano ang isang negatibong ugali mo na gusto mong baguhin. Kung mag seseryoso ka na ba sa taon na ito, o ikaw pa rin yung loko lokong tao na makikilala nila. Magpakabait ka na. Set ka ng Goal sa buhay, mangarap ka. Araw-araw naman pwede mangarap. Matupad man ito o hindi, at least nasabi mo sa sarili mong marami kang Pangarap na nais matupad.
Marami
pang pwedeng gawin, nasayo ang lahat ng desisyon gawin ito. Nasasayo ang
diskarte paano sisimulan ang mga bagay-bagay. Nasayo ang susi para magbago,
nasayo ang susi para sumaya. Kaya huwag sayangin ang darating na bagong taon.
Maligayang
Bagong Taon sa lahat!
...late post...ngayon ko lang kasi nahagilap ang soft copy ko nito. Nasaan na ba kasi yung isa kong USB..huhay!
No comments:
Post a Comment