Bakit nga ba daw kailangan ng Tiwala sa Relasyon? Kasi una sa lahat,
kapag pumasok ka sa relasyon at napapansin mong nawawalan ka na ng
tiwala or wala ka talagang tiwala sa kanya. Why bother na pumasok pa sa
isang relasyon? Para saan pa ang pagmamahalan na puno ng hinala? Na
habang siya nagtitiwala eh ikaw ay puro hinala tulad nga ng sabi ko dati
sa mga past blog entries ko.
Nakakalungkot sa part ng tao yun eh, yung pinagdududahan. Para bang
sinisisi mo siya sa isang bagay na wala naman siyang ginagawa. Kumbaga
ginugulo ka ng sarili mong gawang problema. Gets? Minsan kailangan
talaga intindihin natin hangga’t makakaya ang mga taong malalapit sa
atin. Nasa kanila na yun kung sisirain nila. At makikita mo naman kasi
kung talagang obvious na. Hindi naman siguro masama na kuhanin ang
atensyon niya at sabihin na nag seselos ka or may gumugulo sa isipan mo.
Sa madaling salita, komunikasyon lang yan. Isang maayos na pag-uusap eh maayos lahat yan.
No comments:
Post a Comment