Ganun naman ang tao diba? Kumbaga surivival mode, kumbaga sa isda
kailangan lagi ng tubig na mahihingahan yan. Kumbaga sa halaman,
kailangan ng lupa niyan para mabuhay. Tubig pa nga eh, tska sikat ng
araw. Parang sa tao, tulad ng sa halaman, parang may photosynthesis din
na kailangan. Hindi lang pagmamahal ang kailangan, kundi atensyon,
pag-aalaga at marami pang iba.
Sa oras na mapabayaan ang mga taong nagbibigay nito, lilipat sa iba,
maghahanap ng magbibigay ng importansya. Parang sa mga banda, kapag
walang nakikinig sa kanila hindi na sila gagawa ng kanta. Kumbaga sa
writer, kapag walang nagbabasa, why bother pang magsulat hindi ba? Di
bale na lang kung passion talaga nila ang pag susulat, at hindi nila
iniintindi ang mga taong nakapalibot sa kanila.
Ganun lang naman ang buhay eh, kapag hindi nabibigyan ng atensyon ang
isang tao, hahanap ito ng paraan o didiskarte ng kanya para lang
makahanap ng atensyon. Tulad ng pagiging malungkot, pagiging sobrang
masayahin, pero minsan nasasabihan ka pa ng KSP (Kulang sa Pansin).
Kailangan kasi ng atensyon eh, para alam mo kung nag eexist ka ba sa
kanila o napapansin ka. Minsan yun na lang rin ang tanging paraan para
malaman mo kung buhay ka pa ba o hindi mo namamalayan matagal ka na lang
palang kaluluwa na nag eexist sa buong sanlibutan.
No comments:
Post a Comment