Monday, February 25, 2013

Sa lahat ng malungkot ngayon, ito ang message ko para sa inyo!

Tatagan mo ang loob mo, sa tingin mo ba eh diyan ka pa dapat sumuko? Sa rami ng taong may problema. Sa tingin mo ba ayan na ang pinaka malala? Tumingin ka sa paligid, bahay mo ang nakikita mo diba? 

Lahat naman tayo may problema, kung iisipin mo ang boring ng buhay kapag walang problema, parang wala kang challenge sa buhay, paano ka magiging tao niyan? Paano ka matututo? Naniniwala ako na nakasulat na yang pinoproblema mo ngayon. Alam Niyang kaya mo yan. Ngiti kaibigan.

Lahat naman ng problema mahirap kapag inupuan mo lang ito at hindi sinosulusyunan kung kaya mo ngayon resolbahin agad kinabukasan o ngayon yan eh pwede naman. Minsan kung iisipin mo ang babaw ng problema, madalas sa assignment ka pa namromroblema kung kanino ka kokopya. Eh pwede ka namang gumawa diba? Make sense na?

Basta, sobrang dami naman ng problema talaga. Hindi tayo mawawalan. Maaring minsan maisip mo na wala kang problema, pero minsan tinatakasan mo lang talaga. Maaring may magaan na problema, pwede ring mabigat. Mapa pag-ibig, thesis, trabaho, sa pamilya o kahit saan pa man. Isipin mo lagi na makakayanan mo rin ito.

Basta may tiwala akong kaya mong lagpasan yan.

No comments:

Post a Comment