Saturday, February 09, 2013

USER


Ito yung mga taong gagamitin ka lang. Gagamitin ka para maka move on, at gagamitin ka lang to satisfy their ” Landi Needs “. Ito yung mga taong babalik sayo kapag wala na silang malandi o maharot. O kaya fail naman sila sa nililigawan/taong gusto nila. Kaya ang tendency nun eh babalik siya sa taong may gusto sa kanya.

 Pinapakita nila kung gaano sila ka makasarili at gaano nila ginawang tanga yung taong nagmamahal sa kanila. Biruin mo taken for granted na, ginawang option pa. Hindi ba’t nakakaloko talaga yun?

Ang maganda lang dun eh kapag nalaman mong ganun talaga siya. Isang best way na yun para kalimutan siya at maka move on ka na talaga. Move on in a way na hindi mo iniisip, tipong basta na lang dadating sayo dahil masasanay ka din na wala siya sa buhay mo.

Ano akala ng mga USER na yan? Wala kang kaibigan? Walang nagmamahal din sayo? Hindi ba nila alam na mahal mo kasi siya kaya hindi mo masyadong pinapansin yung taong may gusto sayo dahil nga gusto mo eh yung USER na tulad niya? Ayun ang pagkakamali nila.

Hindi lang naman sila ang swerte sa mundo na may nag effort para sa kanila nu. Hindi ba nila alam na kaya rin naman natin silang iwan? Pero hindi natin magawa dahil hangga’t maari eh ayaw nating sumuko sa kanila?


Kawawang tao. 

...to read more, you can click the HOME..:)

No comments:

Post a Comment