Hindi mo na kailangan ipost yung mga taong nang aaway sayo. Naghahatid lang yun ng negative vibes sa mga taong nag fofollow sayo. Minsan nakakahawa kapag puro away. Lalo na sa mga babae, kapag may nag ANON sa inyo na Malandi kayo, kung virgin pa ba kayo, kung malibog ka ba, o kung ano pa man yan na hindi mo naman sasagutin at anon lang din naman, huwag mo na lang pansinin.
Bakit? Eh hindi nga nag effort yung tao na magpakilala, mag eeffort ka pa ba na sagutin iyon? Kung alam mo namang hindi totoo. Hindi mo naman kailangan masyadong magpahanga kung gaano ka katapang at kung gaano ka pumatol sa isang away. Minsan ang pagiging tahimik at hindi pag pansin sa isang panlalait eh pagpapakita na lang ng pagiging mature at pagiging matapang.
Bakit mo hahayaang matapakan ang sarili mo? Edi tumayo ka agad hindi ba?
Ayun kasi ang hirap e, yung iba sobrang mag pa api, eh nasa kanila naman ang desisyon para tumayo. Hindi ka na naman matatapakan kapag nagdesisyon ka na tumayo e. Doon palang sa desisyon na yon sa buhay mo, panalo ka na sa taong nang aaway sayo. Hindi pa bababa tingin sa iyo ng tao.
No comments:
Post a Comment