Wednesday, January 30, 2013

Kung siraan yung taong nawala sa buhay niya kala mo naman hindi sila nagmahalan!


Sa tingin mo ba kapag siniraan mo ng siniraan yung taong naging parte ng buay mo eh maibabalik mo pa ito? Lalo na’t alam niyang siya ang tinutukoy mo?

Maaring ikagaan ng pakiramdam mo ito, maaring kampihan ka ng mga taong hindi alam ang tunay na nangyari, maaaring malinis mo ang pangalan mo dahil sa dinudumihan mo naman ang pangalan ng isa.
Bakit kaya ganun ang ibang tao ano? Naging parte ka naman ng buhay nila, napamahal ka din naman sa kanya, naglaan ka rin naman ng oras at atesyon sa kanya pero sa huli, daig pa natin ang kriminal kung simapin tayo ng matitinding salita dahil sa matindi niyang dalamhati.

Bakit hindi na lang matutunan tanggapin at magpatawad na ganun na lang ang nangyari? Alam kong sa una mahirap ito, pero hahayaan mo na lang ba ang sarili mo na kainin ng kalungkutan? Bakit hindi mo patawarin ang sarili mo at yung taong masasabi mo na nagkasala sayo? Wala ka naman mapapala kung mag iimbak ka ng galit sa puso mo eh.


yung moment na sasabihin mo na sana na mahal mo sya..tapos biglang..hahaha(boom)


No comments:

Post a Comment