Wednesday, January 30, 2013

Try to evaluate yourself..!


Minsan try to evaluate yourself.

Kung may nasaktan ka bang tao, kung may napabayaan ka bang tao, mga taong hindi pinansin, taong sa tingin mo eh naiwan mo na at hindi ka na nagparamdam, mga taong napamahal sayo, mga taong nag bigay ng impact sayo, mga taong naging inspirasyon mo at marami pang iba. Ikaw na ang mag-isip ng iba.

Iba rin kasi kapag alam mo kung sino yung nakaka appreciate ng existence mo, at alam mo kung sino yung hindi. Gayon, eh malaman mo kanino mo dapat ibigay ng mas mabuti ang atensyon mo.
Madalas kasi tayo mag bulagbulagan. Kapag gusto kasi natin at hindi naman tayo gusto, pinipilit nating magustuhan tayo. Pinipwersa natin ito, tumatakas ka sa proseso ng pagkilala.
Minsan sapat na maging sensitive tayo sa mga nakapaligid satin, para alam natin kung kailan at kanino natin ibibigay ang ating tiwala.

No comments:

Post a Comment