Saturday, February 16, 2013

ADVANTAGES AT DISADVANTAGES NG MGA TAONG NAGMAMAHALAN HABANG NAG-AARAL PA


Advantage
  • Maaring maging inspirasyon ang bawat isa, lalong mag pupursigi dahil nga sa may taong nag aabang sa kanila, may taong tutulong sa kanya sa oras na nahihirapan siya sa academics.
  • Maaring maging inspirasyon din ang pagmamahalan, dahil sa masaya ka na kasama mo siya, ginagahanahan ka lalo mag-aral dahil gusto mong magkwento na mataas ang nakuha mo sa exam.
  • Kung swerte ka sa taong mahal mo, siya pa ang magsasabi sayo na mag-aral ka muna, dahil dito susundin mo siya, kasi nga mahal mo siya. Lalo na nakakapressure kapag seryoso rin sa pag-aaral yung partner mo.
  • Maari ka niyang matulungan sa mga assignments mo, maaring may maitanong ka sa kanya na alam niya. Nakakagawa kayo ng bonding sa bawat isa.
  • Kapag napagod ka nang mag-aral may mapagsasabihan kang pagod ka na, at syempre lalambingin ka niya at marerelax ka at gaganahan ka na mag aral muli.
Disadvantage
  • Kapag nag away kayo ng taong mahal mo, kahit anong review ang gawin mo sa sarili mo hindi ka makapag focus dahil nga sa inaalala mo kung ano ang ginagawa nito habang hindi kayo nag papansinan.
  • Minsan nahahati ang oras mo sa pag-aaral dahil kailangan mo siyang kamustahin palagi kung ano ang ginagawa niya.
  • May mga tao rin kasing nagtatampo kapag pakiramdam nila at hindi nila naintindihan na kailangan mo talagang tapusin yung school papers mo.
  • Imbis na uuwi ka na sa bahay, eh minsan mas pipiliin mo muna sumama sa taong mahal mo para gumala, minsan nawawalan  ka ng oras sa pag-aaral mo, nakakalimutan mong gawin ang assignments mo.
  • Natuto kang magpuyat, papasok ka sa eskwelahan na antok dahil nga na ang tanging oras mo na lang sa inyong dalawa eh yung bago kayo matulog, minsan kapag napasarap ang usapan umaabot ito ng madaling araw.
May mga taong napagsasabay sabay ang lahat ng ito, ito ang sinasabi nating Time Management. Kapag natuto tayong mag budget ng oras natin, maaring mawala ang disadvantage at maging advantage ang lahat ng ito.

No comments:

Post a Comment