Ano nga kaya ang
meron bakit gabi ang madalas na oras para iwan ang isang tao. Dahil ba umaasa
sila na buong araw na baka mabago pa ang isip nila? O kaya tinatamad dahil
mainit ang panahon? Baka may biglang magbago kaya hindi nagpapadalos dalos? O
sadyang ito lang yung oras dahil yung ambiance kapag gabi eh tahimik
at nakaka trigger ng malungkot na emosyon dahil malamig at tahimik?
Siguro kaya gabi eh
para itutulog mo na lang ang problema. Tipong pag gising mo eh wala na. Tanggap
mo na na wala siya. Tipong pag gising mo sa umaga eh panibagong buhay ang
naghihintay sayo. Yun bang proproblemahin mo siya ng gabi hanggang madaling
araw pagkatapos mong makinig ng mga malulungkot na kanta at alalahanin yung mga
happy moments niyo eh itutulog mo na lang at isang tulugan na lang lahat ng
problema.
Kapag umaga kasi kayo
naghiwalay parang ang hirap kumilos nun no? Tipong napakahaba pa ng araw na
tatahakin mo at napakatagal mong i aabsorb ung pangyayari sa inyong dalawa. Di
tulad ng gabi. Karamay mo talaga eh. Eh ang panget din magkulong sa kwarto ng
umaga unless may Aircon ka. O kaya naman busy sa umaga yung taong
makikipaghiwalay? May school works? May work? Kaya kailangan huwag munang
problemahin at ipagpagabi na lang?
Pero ang bottomline
dun eh umaga man o gabi. Sa huli iiwan ka din eh.
Pero ang kulet no? Ikaw ba?
Nung naranasan mong breakup? Umaga? O Gabi?
No comments:
Post a Comment