Tuesday, February 26, 2013

DAMAYAN..:)

Girl: Bakit ang hirap magmahal?

Boy: Ha? Mahirap? Bakit?

Girl: Palagi na lang kasi akong nasasaktan eh.

Boy: Normal lang naman yun ah? Na kapag nagmahal ka eh masasaktan ka talaga dahil sa seryoso ka sa taong yun diba?

Girl: Eh wala bang ibang paraan para maramdaman yung pagmamahal na yun? Kailangan ba laging masaktan? Diba kaya naman tayo nagmamahal kasi gusto nating sumaya, gusto natin ng may nanlalambing sa atin? Pero bakit ganun? Yung pagmamahal na yun hindi ko na nararamdaman? Kasi kapag nag-aaway kami hindi ko maramdaman yung pagmamahal. Yung nararamdaman ko eh purong kalungkutan.

Boy: Alam mo? Hindi tatatag ang relasyon niyo na puro saya lang. Hindi niyo malalaman ang pagkukulang niyo kung palagi na lang kayong masaya. Paano mo malalaman na may problema pala kayo? Kung hindi kayo nag-aaway? Hindi ba panget rin minsan kung kuntento kayo sa ganun lang? Na kontento kayo bilang mahal niyo lang ang isat-isa? Ayaw niyo ng sobrang mahal? yung mahal na may pinaglalaban? 

Girl: …

Boy: Paano mo ma eenjoy ang pagkakaroon ng relasyon niyan? Ang sarap din kaya ng pakiramdam na pagkatapos niyong mag-away eh magkakabati kayo. Paano mo mararanasan yung kakaibang lambing niya kung hindi kayo minsan nag-aaway? Hindi ko sinasabing dapat laging nag-aaway kayo para maranasan yung pagmamahal. Alam mo naman kasi kung away na walang kwenta yan o yung away na may pinaglalaban. Kailangan kasi ipaalam mo sa kanya na iba na ang buhay niyo ngayon kasi hawak niyo na ang isat-isa. Hindi lang naman ikaw ang nakakaranas ng away na yan eh, halos lahat ng nasa relasyon nararanasan yan. Pinasok mo yan eh, automatic kasama yan.

Girl: Mahina kasi ako sa mga away eh. Di ako sanay na galit sa akin ang mundo ko. Mundo ko siya eh, mahal ko siya. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Nawawala ako sa sarili kapag nagagalit na siya. Malungkot na ko, wala na kong maisip. Parang bata na inagawan ng kendi, parang ibon na hindi marunong lumipad. Nababago lahat kapag nagagalit siya.

Boy: Huwag mo kasi gawing mundo ang taong mahal mo. Siya dapat ang patirahin mo sa mundo mo, ganun din siya sayo. Akala mo wala siyang pakialam sa nararamdaman mo? Ang nangyari kasi, nasa sariling mundo niya siya. At ikaw naman eh tumira din sa kanya. Sinong natira sa mundo mo? Wala diba? Kasi iniwan mo ang sariling mundo mo. Walang nag-alaga at tumira dito.

Girl: Ganun ba yun?

Boy: Oo. Kaya dapat nga matuwa ka kasi nasasaktan ka at nalulungkot ka. Nagmamahal ka kasi kaya ganyan. Pagtapos ng lahat ng naramdaman mong sakit? Magiging mas mabuting tao ka. Learn from your mistakes nga diba? Panget rin kapag alam mo ang lahat. Para saan pa diba? Kaya mo yan! Ngiti lang :)

Girl: Salamat. Magaan na ang loob ko. Isa kang tunay na kaibigan.

Boy: Wala yun! Ikaw pa :) Andito lang ako.

No comments:

Post a Comment