Sunday, February 03, 2013

Destiny? Close kayo?


Ako may hindi naniniwala sa tadhana, peru heto ako nagboblog tungkol dito. Marami kasi sa atin laging itong bukam-bibig. Sasabihing dahil sa tadhana kaya hindi kayo nagtagal o kung anu anu pa...hahay! Kawawang tadhana...sa kanya lahat ang sisi! 

Peru bakit kaya kay sarap pag-usapan ang tungkol sa tadhana? O sige, sa pagkakataong ito iaassume ko na may tadhana nga (na nagtatakda ng mga bagay bagay)... hahaha

Sobrang swerte mo kapag mahal ka din ng gusto mo, para kang pumila sa express lane. Walang hirap, walang hassle. V.I.P Treatment. Close kayo ng tadhana (?) kapag ganun, hindi mo nararanasan ang hirap na dinadanas ng ibang tao (isa na ako dun!). 

Minsan tatanungin mo sa sarili mo paano nga ba nangyari yun? Ano ang diskarteng ginawa at parang magic na lang ang nangyari sa lahat, hanggang ngayon nag-iisip ka paano nag umpisa ang inyong pagmamahalan.

Kaya swerte ka, mahal ka ng mahal mo. Alagaan mo dapat yan, Parang lumalabas na sa apat sa sampung nagmamahal ang swerte rin sa taong mahal nila dahil gusto rin sila. Alagaan mo yan, bihira yan. Huwag mo ng pakawalan yan. Huwag kang magsasawa, gumawa ka ng paraan para excited ka lagi sa kanya.

Buti ka pa, ka close mo ang tadhana.

Samantalang yung ibang handa din magmahal ng tapat, hindi pa rin bigyan ng pagkakataon. Hindi nga kaya yung mga taong naghahabol ang para sayo? Kaya hindi mo makuha yung gusto mo? Paano nga kaya no? Yung taong hinahanap mo pala yung humahabol sayo, ayaw mo lang, kasi may paniniwala kang hindi ayun.

Paano nga kaya kung lumagpas na yun? May bagong cycle kaya ulit na mangyayari sa buhay mo? May bagong taong maghahabol ulit? Tapos mapapakawawalan mo ulit? Paano kung tamarin na mag generate ang tadhana ng taong para sayo kasi hindi mo pinapansin?

Tatanda ka kayang binata/dalaga? O mapapansin mo din sa huli dahil sa mga senyales na madalas mong hingin sa kanya? Walang makakasagot. May kanya kanya tayong love story. 

...nandyan naman lagi ang oportunidad na maging single blessed na lang!

hahaha..kaya ok lang yan!

No comments:

Post a Comment