Ang salitang iniiwan ng taong gustong may bakas pa rin sa puso mo.
Ang salitang sinasabi ng taong maari kang paasahin sa huli. Sa oras kasi
na sinabi nila ang katagang Hahanapin nila ang sarili nila, malaki ang
tendency na sa iba na nila makita yon. Pinaka magaan na sabihin ng isang
tao kapag ayaw na niya sayo.
Paano nga ba hanapin ang sarili? Sa oras ba na pumasok ka sa relasyon
eh nawawala ka talaga sa sarili mo? Ano nga ba yun? May mga oras bang
kinukuha natin ang sarili nila at hindi na binabalik ito? O nangyayari
ito kapag sinasakal mo na ng husto ang isang tao?
Madalas kapag sinabi ito, medyo tanggapin mo na ang sarili mo na
hindi na siya babalik. Madalas, ito lang ang pinaka safe na phrase at
magaan na phrase na masasabi niya sayo para hindi ka masyado masaktan.
Minsan ang hirap kapag ganun, minsan nakaka konsensya kapag sinabihan
kang hahanapin muna nila ang sarili nila. Para bang matatanong mo sa
sarili mo kung ano ba ang iyong ginawa. Minsan ganun na lang talaga ang
buhay eh.
Minsan kailangan mo na din pala hanapin ang sarili mo.
No comments:
Post a Comment