Thursday, February 07, 2013

Ikaw ang author ng buhay mo!


Ang buhay eh dumedepende sa kung anong gagawin mong desisyon. Kaliwa at Kanan lang naman yan. Mamimili ka. Kahit anong dasal mo. O anu mang pangarap mo. Kung hihintayin mo matupad ng wala kang ginagawa eh wala talagang mangyayari sayo. Mag umpisa kang mangarap.

Masarap ang madaming pangarap. Sabi nga nila libre lang diba? Eh diyan tayo mahilig sa libre. Pero syempre kahit libre e pagtuunan pa rin natin ng pansin. Dahil ang mangarap nang libre pa ang mag babayad satin sa huli dahil pinagtuunan mo ito ng pansin.

Kung malungkot ka, burahin mo ang isang maling letra sa iyong pahina. At kung malungkot ka pa rin.. Burahin mo. “Malungkot”. At gawin mong Masaya. 

Kung tungkol naman sa tamang pagpili ng boyfriend o girlfriend. Basta mahal mo ipaglaban mo. Wala namang taong pag sinabi mong mahal mo eh maniniwala agad. Kailangan mo itong patunayan. Lahat ng tao ay may potensyal basta isinapuso nito ang isang bagay.

Ang boksingero ba eh magiging boksingero kung hindi ito nag eensayo?
Ang teacher ba? Pag hindi nag aaral, maaari ba itong magturo?
Kaya iisa lang ang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw.

Maari mong pakinggan lahat ng payo ng kaibigan mo o basahin lahat ng matatalinhagang blog posts nang followers mo. Pero ikaw ang mag iimplement nito sa sarili.

Kung sakaling umabot ka sa puntong ito. Nais ko magpasalamat sayo kaibigan. Dahil nagamit ko ang ilang minuto ng buhay mo.

...to read more, you can click the home!

No comments:

Post a Comment