Monday, February 18, 2013

MALABONG USAPAN...:(

Ganito ang madalas na maramdaman kapag Mutual Understanding kayo. Lalo na kapag may kunting tampuhan? Tipong hindi mo masumbat sa kanya ang mga bagay dahil hindi pa naman kayo. Hindi mo pa siya mapigilan dahil hindi pa naman kayo. At takot kang may masabi siyang hindi maganda sayo. Kaya minsan matatahimik ka na lang dahil hindi mo alam kung ano pa ang gagawin at sasabihin kapag nararamdaman mong nagkakaroon na ng “distansya” yung dating sobrang lapit na kayo. 

Minsan natatakot ka. Hindi pa kayo, pero natatakot kang maramdaman niya yung pagkasawa niya sayo. Minsan naguguluhan ka. Paano kaya kapag naging kayo na? Mas madali kaya? Mas mahirap? O parang dati lang? Ano nga ba talaga meron kapag naging kayo? May karapatan ka ng magselos? O ito yung karapatan para awayin mo siya? Yung tipong kung kailan kayo pumasok sa relasyon at naging kayo na eh tska kayo mag-aaway. 

Tapos kapag gusto mong magtampo habang M.U pa kayo. Hindi mo magawa. Kapag tinatanong kung ano ang problema. Hindi mo rin masagot. Kasi nga andyan ka lang para sa kanya. Lalo na kapag ikaw yung laging sumusuyo sa inyong dalawa. Lalo na kapag ikaw ang naghahabol sa kanya.

Kaya minsan ang problema mo sa kanya, sinasarili mo na lang at ngumingiti na lang para matakpan ang kalungkutan na nadarama. Ganun na lang ang ginagawa mo. Mahal mo kasi. At takot kang mapunta pa siya sa iba. Kumbaga nakasilip na ang langit. Konting tiis na lang. Mapapasayo na rin siya.

...to read more, you can click the HOME.:)

No comments:

Post a Comment