- Manuod ng Sine - Ito na ata yung isa sa mga torture na ginawa ko sa buhay ko. Masama daw manuod mag-isa. Sabi ko sa kanila, ano gagawin ko? Eh gusto ko yung palabas? Ang sakit lang sa puso makakita ng nagyayakapan sa paligid mo lalo na kapag natatakto sila. Tapos ako elibs na elibs sa palabas wala man lang ako masabihan na bilib na bilib ako. Kinakanya ko, tuwing naiinggit ako eh nilalapat ko na lang ang straw sa labi ko para kunwari may ka lips to lips ako.
- Eat All You Can sa Yakimix - Ito isa pa tong sobrang emo kong ginawa sa buhay. Pansin ko na malungkot ako noon, sabi ko treat ko kaya sarili ko? Tutal tagal ko na rin hindi nakakakain ng masasarap na pagkain. Ayun sinubukan ko mag-isa. Ang hirap pala, ang tahimik ng pagkain (eh ayaw man lang ako kausapin..hahah), tinitignan ka ng mga taong dumadaan. Parang hinahanapan ka ng kasama. Kasi solo mo yung buong table, nagluluto ka ng kung ano ano. Pero mag-isa ka lang. Ang hirap din kasi nguya mo lang ang naririnig mo. Wala kang makausap. Patingin tingin ka sa cellphone wala namang nagtetext.
- Gumala sa Mall - Ay hindi na iba sakin to, malamang yung iba nararanasan rin ito. Mas sanay akong gumala mag-isa. Pero prefer ko pa rin talaga yung may kasama at nakakausap. Kapag kasi mag-isa ako patuloy akong nagmamasid sa mga tao. Nag bibigay ng komento sa mga babaeng nakayakap sa mga partner nila, yung mga lalake naman naka akbay sa mga partner nila. Nakakaloko lang, madalas kapag mag-isa tska ang dami mong nakikitang lovers sa daan.
- Itext ang sarili - sa kagaguhan ko sa buhay, nung araw dati na walang nag tetext sakin, tinext ko ang sarili ko ng kamusta ka na? Kumain ka na ba? Pumapayat ka na ah!
- Tumambay sa Starbucks - masasabi kong lugi ang kape ko dahil sobrang sandali lang talaga ng matatambay mo dito kapag wala kang kasama. Badtrip lang nung mga mag syotang nagmamahalan dun, mga tropang nagtatawanan. Tapos ako pabasa basa lang ng magazine, nakikiramdam sa mga dumadaan. Tapos wala pang libreng Wifi. Bibilhin mo pa Isang oras 150 pesos. Tang-ina kanila na yung internet nila. Umuwi na lang ako sa bahay. Libre pa, mabilis pa. Aanhin ko internet nila? May wifi yung mabait naming kapitbahay nuh? Anu kayo ngayun? Hitsura niyo..hahaha
Ilang buwan na din pala ang nagdaan bago ako may nahawakan na kamay. Kaya akala nung iba nagdadasal ako habang naglalakad. Hindi nila alam hinoholding hands ko ang sarili kong kamay. Teng-eneng buhay yan. Ang cute.
...to read more, you can click the HOME..:)
No comments:
Post a Comment