Tungo ng Tungo - Kapag nakatingin ang titser,
tutungo ito ng tutungo, kunwari nakikinig. Akala mo iskolar kung
makatungo, kahit naman walang dapat itungo eh tutungo talaga ng tutungo.
Napaghahalataan na walang naiintindihan.
Time Machine - Eh paano tingin ng tingin sa oras,
gusto ata gumamit ng time machine, gustong i advance ng 1 oras yung oras
para matapos na yung kinakatamaran na subject niya. O kaya naman baka
gusto niyang i advance na ng 6 na oras para uwian na agad? Ito yung mga
taong sobrang naboboring dahil nakakatamad mag turo ang guro.
Take Down Notes - Aba iskolar epek ang kaklase mo!
Talagang lahat ng matatalinhagang salitang binitawan ng iyong guro eh
sinusulat niya, minsan ang masama dito hindi naman niya binabasa, enjoy
lang siya talaga mag sulat siguro para hindi antukin. Pero at least nga
naman may ginagawa at hindi nag mamalinis.
Tungo + Hawak Cellphone - Aba matindi, naka abante
para natatakpan ng kaklase niya ang kamay niya para hindi mahalata ng
guro na nag tetext lang pala siya. Tapos kapag nakapareply na siya
tutungo siya para kunwari nakikinig.
Patanong tanong effect - Yung mga taong hindi
nakikinig, minsan magtatanong kung ano yung huling napakinggan para
kunwari nakikinig at talagang kaklaruhin pa nila kung ano yung sinabi
para kunwari daw na gusto nilang matutunan.
Lilipat sa unahan - Kunwari hindi napapakinggan ang
guro, yun pala makikipag chikahan lang. Sa mga lalake magtatanong kung
ano ang magandang item kay Sven sa Dota, Kung dapat ba lagyan ng Dagger
si Earthshaker at marami pang iba. Sa mga babae naman syempre ang walang
katapusang Lovelife 101. Tipong hinatid pa daw siya ng crush niya sa
fishbolan at nilibre ng kikiam.
O diba ang sweet?
No comments:
Post a Comment