Sunday, February 03, 2013

Miss kita...sana namiss mo rin ako!


Minsan ang kulet din kapag malayo kayo sa isa’t-isa no? Tipong telepono at webcam lang ang dahilan para magkita kayo. Buti nga may mga mga Application na tulad ng Viber, Voxer at Skype. Tipong parang hindi na kayo malayo sa isa’t-isa. Ito yung mga experience na hindi mo na rin halos maranasan kapag nakikita niyo na ang isa’t-isa. Kasi alam niyo namang pwede naman kayong magkita eh. Bakit pa kayo mag wewebcam o mag-uusap diba? Tska pwede mo siya tawagan sa cellphone anytime.

Pero ang mahirap kapag malayo eh yung magkaiba pa kayo ng timezones na dalawa. Tipong ang gising niya eh yung oras naman ng pagtulog mo. Pero nakakatuwa at namamanage niyo yung oras niyong dalawa. Hindi nawawala yung oras para magkamustahan, andun lagi yung komunikasyon at yung tiwala sa isa’t-isa. Dito mararanasan mo pang panuorin siya matulog. Tapos hindi mo na siya magising kapag na disconnect yung connection niyo dahil ayaw mo na siyang maabala at para makapagpahinga na rin siya.

Minsan hanggat maari ayaw natin mapasok sa LDR type na relasyon. Mahirap kasi. Pero kapag tinamaan tayo ng pag-ibig na yan. Makakaya mo lahat eh. Alam mo kasing tutulungan ka niya. Alam mong hindi lang ikaw ang nagmamahal. Alam mong seryoso kayo sa ginagawa niyo. Aasa ka na lang na sa isang araw sana umuwi na siya ng Pilipinas o kaya magkita kayo kung nasaan man siya. Makasama mo man lang siya. Mahawakan mo man lang yung taong minsang naging malayo sayo. :)

No comments:

Post a Comment