Tuesday, February 26, 2013

Sa gitna ng kasarinlan!

May time ba na nafifeel mo na nakakalimutan ka nung taong tine-treasure mo ng sobra? Katulad ng mga taong mahal mo sa buhay na bigla na lang nawawala ng hindi man lang nagpapaalam. May oras ba na pakiramdam mo mag-isa ka na lang sa oras na lumabas ka ng bahay? O kaya naman sa malalim na gabi na tulog na ang pamilya mo at kailangan mo ng kaibigan na makakausap. Pero walang nag aabala o nag aatubiling mangamusta kung ano na ba ang lagay mo sa buhay.

Bakit minsan nalulungkot tayo kapag nararamdaman natin ito? Dahil minsan sa buhay natin naranasan natin malambing ng mga kaibigan, naranasan natin ang kasiyahan sa piling nila. Bale umaasa tayong mauulit yun dahil sa nangyari na. Syempre dahil nga nangyari na — posibleng mangyari ulit. Ang problema rin kasi madalas kapag ganyan ang sitwasyon eh hinahanap mo yung ugali nila dati. Madalas natin hindi matanggap na may bago na silang nakikilala bukod sa atin. Maaring masaya na sila sa piling ng ibang kaibigan nila? O kaya naman kailangan mo tanggapin na kaibigan ka lang niya kapag may birthday party, kapag may problema siya at wala ng matakbuhan at marami pang iba.

Ang tanging solusyon lang na maiisip mo ay maghanap rin ng ibang makikilala. Gayahin ang ginagawa nila. Maging proud ka na lang sa sarili mo na sa sarili mo. Alam mong nagpapakatotoo ka at pinapahalagahan mo ang pinagsamahan niyong dalawa.

No comments:

Post a Comment