Kahit gaano pala kayo kasaya dati talagang may araw na magiging malungkot ang tagpo no? Tipong kapag inalala mo yung mga masasayang alaala niyo habang malungkot ka eh lalo ka lang nalulungkot. Paano, maiisip mo sa sarili mo na sa likod ng sayang yun eh posible ka pa rin pala malungkot posible pa rin palang mangyari yung mga bagay na hindi mo inaasahan.
Sobrang nagugulo ang isip mo kung ano ba ang dapat mong gawin lalo na’t hindi siya nagpaparamdam. Hindi mo alam yung mga bagay na dapat isipin. Tipong kailangan mo ba agad tanggapin? O kailangan mong umasa pa ng kaonti? Hawak pa ng onti? At kapag wala na eh pagbibigyan ang sarili magpahinga. Ililipat na ang susunod na pahina ng libro. Magiging blanko ulit ang mga nakasulat dito. Kumbaga blankong pahina muna bago ipakita ang susunod na Chapter. Pero syempre tska mo palang ulit ililipat ang pahina kapag handa ka na ulit.
Ganyan lang siguro ang buhay. Kapag may nawala. Tatanggapin mo lang naman eh. Wala ka ng magagawa eh. Malungkot ka man ng husto, humagulgol ka man at kahit na anong sabihin mo sa kanya. Kapag ayaw na niya. Wala ka ng magagawa dun eh. Ang tanging magagawa mo na lang eh tanggapin ang mga bagay na nangyayari sayo. Kailangan mo yun.. At higit sa lahat kailangan mo matuto sa pangyayaring yun.
No comments:
Post a Comment