Akala ko rin nung una kapag College ka eh malaki ang possibility mong
pumayat. Dahil sa malayong byahe, dahil sa stress at pagod na dulot ng
byahe at ng studies mo, dahil sa pagpupuyat, dahil sa mga sleepless
nights at yung pressure araw-araw ng eskwela sayo. Mali pala ako. Mali
pala ang paniniwala ko.
Kapag college ka pala...
- Tuwing Vacant, ma tetempt ka kumain dahil sa dami ng tinda sa Canteen. Tapos may mga malalapit pang Fast Food Chains, meron din mga Cantunan, Tapsilugan at marami pang iba.
- Kapag uwian naman, madalas napapakain ka pa ng Siomai o kung ano mang stall na makikita mo sa LRT/MRT ( kung gumagamit ka ng tren )
- Napapadalas din ang pagbili ng softdrinks dahil yun lang ang malamig at masarap inumin.
- Napapadalas ang kain ng tsokolate ng mga babae dahil sa mga manliligaw na lalake na mahilig magbigay ng tsokolate. Yung mga lalakeng akala mo eh galing abroad kung makapagbigay ng mga tsokolate.
- At yung mga sitsirya na binabaon pagtapos ng Break or ng Vacant para hindi mainip sa loob ng silid-aralan.
- Kapag gising ka ng madaling araw para mag-aral o gumawa ng homeworks. Madalas kang magutom at naghahanap ng makakakain sa Food Drawer o kaya naman sa Frigider.
- Mayat-maya ang nguya. Dahil sa dami ng pagkain ng kasama mo. Minsan nadadamay ka rin makitikim dito.
- Ayaan ng barkada. MCDO tayo! Moonleaf tayo!! Infinitea! Serenitea! Tea Tea!! O kaya naman ang walang kamatayan na ~*StaHVucKz QuOhpi*~ para sa mga sosyalero’t sosyalera.
Tanggapin na natin na yun ang pinakamasarap na parte ng buhay ng
isang estudyante. Bukod sa mag-aral eh yung pagkain talaga ang the
best. Kung may grado lang ang pagkain ng marami eh siguro flat 1 ang
grade. Minsan magugulat ka na lang nanganganak yung baba mo. O kaya naman
nagiging artista at nagkakaroon ng ka dobol. At yun ang tinatawag na
DOBOL CHIN! hahaha...
Kaya sa mga tropa na naghiwalay sa High School magugulat na lang ang
isat-isa na lumobo ang tiyan ni ganito, naging bilog ang mukha ni ganyan
at diyan na dadating sa puntong punahan na ng mga itsura.
Magagawa natin?! Masarap kumain eh!
...salamat sa pagbabasa!
Magagawa natin?! Masarap kumain eh!
...salamat sa pagbabasa!
No comments:
Post a Comment