Ito ang hirap sa atin, lahat na lang tinitake things for granted natin.
Hindi natin iniisip na blessing lahat ng magagandang bagay na nangyayari
sa atin. Ano ano nga ba ang mga bagay na nataken for granted na?
Pagkain
Kung iisipin mo, maraming bata ang nagugutom, namamalimos sa daan
para lang makahingi ng piso. Para makabili ng munting pagkain na
ilalagay sa kanilang tiyan. Ikaw tong nasa bahay lang at nasa harapan na
nang pagkain, minsan nagagawa mo pang umangal na bakit ganun lang ang
ulam.
Tubig
Kung mag aksaya ka ng tubig, kung paano mo sayangin ang tubig sa
lababo, tubig habang naliligo. Pati yung tubig na inumin, minsan basta
basta mo nalang ito tinatapon. Kung naiisip mo lang sana yung mga bansa
na kulang sa tubig, yung mga tao sa disyerto na halos makipagpatayan
makakuha lang ng tubig.
Matrikula sa Paaralan (Tuition Fees)
Kung ikaw ay isang iskolar, iskolar ng magulang mo. Sana eh nag-aaral
ka nang mabuti, hindi lahat ng tao nakakapag-aral, hindi lahat ng tao
nasa magandang eskwelahan tulad ng pinapasukan mo ngayon. Bakit mo
laging iiniisip na next sem ka na lang babawi? Kung pwede naman ipasa na
ngayon, ganun din yun e, parehong subject lang din. Kung alam mo lang
na ang raming tao ang gusto mag aral pero walang pambayad ng matrikula,
mga taong handang magsakripisyo makapag-aral lang.
Pag-ibig
Porket may gusto sayo yung tao inaabuso mo na, porket may gusto sayo
yung isang tao inaabuso mo ang kabaitan nito, porket may relasyon ka na
eh inaaway mo na ang taong mahal mo. Kung alam mo lang sana ang mga
taong patuloy na naghahanap ng relasyon, kung alam mo lang sana ang mga
taong umiiyak buong magdamag dahil sa iniwan sila ng taong minamahal
nila.
Gadgets
Buti nga may cellphone ka pa e, buti nga may mp3 ka pa, buti nga may
camera ka, tapos nag hahangad ka pa ng iba, kung may mga taong patuloy
na naghihirap, ito yung mga bagay na imbis na ito ang bilhin, gamot at
pagkain na lang, huwag kang magtatampo sa magulang mo dahil sa hindi ka
nabilhan nito. Hindi pa ba sapat ang nabigyan ka nila ng magandang
edukasyon at buhay?
Kaibigan
Masyado mong inaabuso ang abilidad ng mga kaibigan mo, utos ka ng
utos sa kanila kahit hindi naman nararapat, hindi mo dapat sila
kinakamusta kapag may kailangan ka lang, ang kaibigan mga taong
mapagtiis yan, pero huwag mong abusuhin, kasi sa oras na magalit yang
mga yan, para kang taong namatay na walang kilala sa mundo. Mahirap mag
isa, mahirap mawalan ng kaibigan.
Ilan lamang ito sa mga bagay na kinukuha natin basta basta, mga hindi
na rerealize ng mga tao, dahil hindi nila nadanas ang tunay na
kahirapan.
No comments:
Post a Comment