Eto madalas ginagawa ng tao eh, gumagawa ng kasalanan at makakasakit
sayo para ikaw yung bibitaw at hindi sila. Para hindi sila magmukhang
masama at ikaw. Paano pinasuko ka nila sa mga ginagawa nila sayo,
syempre tao ka lang din naman na napupuno at nasasaktan kaya ayun. Mas
pinili mong kumawala.
Minsan hindi natin magets yung mga taong to eh, pwede naman nilang
sabihing walang pag-asa yung pagmamahalan na gusto mo sa inyong dalawa.
Hindi yung i seset up ka pa para masaktan ka lang ng todo at onti onting
madurog na lang ang puso basta.
Minsan ganyan makipaglaro ang tao eh, hindi mo alam kung kailan mo
siya matataya. Kaya madalas may mga taong nasasaktan. Paano kasi hindi
nila inaasahan na gagawin sa kanila ng taong yun.. Yung taong mahal pa
nila ang gagawa sa kanila ng masakit at nakaka gagong kalokohan.

No comments:
Post a Comment