Ahm mahirap magsabi ng true love. Wala naman talagang
nakakapagsabi nun eh. Pero ang the best way na gawin mo dyan eh ingatan
mo at alagaan mo. Walang makakapagsabi ng True Love eh. Pwede siguro
kapag nakuntento na kayong dalawa sa isa’t-isa. Masyado pang maaga para
masabing true love na yan dahil maraming pang pwedeng mangyari.
Maaring naiisip mo na True Love yan dahil masaya lang kayo
ngayon. Pero what if dumating yung oras na may problema na kayong dalawa
at parang sumusuko na yung isa. True love pa rin ba para sayo yun? Ayun
ang point ko dyan.
Basta, huwag mo na lang isipin kung True Love yang nararamdaman
mo. Just give him/her unconditional love. Once kasi na tinanong mo ang
sarili mo kung true love yang ginagawa mo eh parang you’re not doing it
natural. Parang lahat ng ginagawa mo sa kanya eh kinikwestyon mo kung
tama ba yun. Parang ginagawa mo yung just to show him/her na ikaw ang
True Love niya. Di ganun yun. Mapapatunayan yun kung handa ka na niyang
bigyan ng singsing o handa ka ng tumanggap ng singsing mula sa kanya.
That’s true love :)
Totoo ba daw yung kasabihan na, "True love does not expect any other return"? Hmmm...Marami agree dito. Ibig sabihin marami ang nagsasabing totoo. Pero para sa akin, hindi. Alam ninyo kung bakit? Kasi once na nagmamahal ka, normal lang na gustuhin o pangarapin mo na mahalin ka rin ng taong minamahal mo. And that's a return for your love kapag nagawa kang mahalin ng taong mahal mo hindi man sa paraang gusto mo. Hindi ba sa isang relasyun dapat may give and take (of course mahalaga pa rin ang loyalty)? And so, therefore...dapat ding mahalin ka ng taong mahal mo sapagkat mahirap talaga kung ikaw lang ang nagmamahal. Gets mo?
No comments:
Post a Comment