Sa ating henerasyon ngayon, karamihan sa atin eh mas marami na ang
kaibigan ang nakilala through online kesa sa mga taong laging nakakasama
o araw-araw nakakasama. Nagiging posible ito dahil hindi naman lagi
natin nakakasama yung mga taong nakilala natin personal, hindi tulad ng
taong online eh pagbukas mo lang ng Computer eh nandyan lang sila palagi
para makausap natin.
Tska mas bukas tayo sa kanila kesa sa mga taong personal natin
nakilala. Mas madali kasi ilabas ang emosyon sa Internet. Kumbaga sa
isang click lang ng Enter eh may mga handang magpayo sayo. Magpost ka
lang ng status na may problema ka eh malaki ang posibilidad na may mag
PM sayo.
Iba iba ang tao Online. Iba iba ang propesyon ika nga. Dito mo
makikita ang iba’t ibang klase ng tao. Kaya hindi malabo na mapamahal ka
rin sa kanila. Sa tingin ko, sa ating henerasyon ngayon 70% or 80% ng
kabataan eh sa Online lang nila nakilala. May mga taong sa Online
nagpapaligaw, may mga tao namang kinikilala ng husto tapos nagkikita
sila tska palang nag aaminan na gusto nila ang isa’t isa.
Pero kaibigan, alam mo naman siguro ang mga taong seryoso sayo o
hindi. Mag-iingat ka rin sa mga pagsasabihan mo ng problema. Lalo na
kung babae ka at ang hihingan mo ng payo eh lalake. Nasa loob ang sungay
ng mga yan. Unless super friend mo talaga yang lalake yan. Pero kapag
sa stranger ka lang humingi ng payo? Nako nako, mag iingat ka iha.
Huwag basta basta mag titiwala. Maraming ganyan ngayon. Maaring may
masamang intensyon sa inyo. Huwag basta makikipagkita kung hindi niyo
talaga kilala. Marami ngayon ang mga taong mapang abuso.
Pero napakarami pa rin naman ang successful ang nagiging Love life at
pakikipagkaibigan na nagiging Physical Friend na rin dahil sa mga
meetups at bonding sa Internet na nag uudyok makipagkita kahit wala
namang espesyal na okasyon. Kung tutuusin cool ang henerasyon natin ngayon. Hindi tayo nag-iisa
kapag may problema tayo. Palaging nandyan ang mga Digital Friends natin
para tulungan tayo sa mga Problema natin.
Based on my experience, ok naman sa mga kaibigan. Pero napamahal na
rin ako at nasaktan sa mga taong napamahal ako Online. Unang una kasing
problema eh na inlove ako sa taong malayo sakin. Yung iba nasa ibang sulok ng bansa, yung iba naman eh sobrang layo kung san ako nakatira. Kumbaga
kanya kanyang swertehan lang talaga yan.
Pero ang buhay pag ibig ko ngayon? Masaya naman. Although single pero yun nga maraming dahilan para maging masaya. Sabi nga, there's more to life than bf/gf relationship. Nakakapaghintay naman ako eh. Hihintayin ko yung ideal na relasyon na gusto ko.
Yung hindi malayo. Yung palaging nandyan kapag kailangan ko.
Matanong kita..
Ikaw? San mo ba ko nakilala? Dito rin diba?

No comments:
Post a Comment