Huwag mangungunang magsabi na gusto mo siya. Kahit na gaano
mo siya kagusto. Hintayin mong yung lalake muna ang magsasabi sayong
gusto ka niya. Para naman kahit minsan sa buhay nung lalakeng gusto mo
eh maging lalake siya para umamin sayong gusto ka niya.
Minsan kasi kapag sinasabi mong gusto mo siya na tataken for
granted ka at minsan inaabuso ka nila or yung nakakatakot na baka
pagsamantalahan ka nila or gamitin ka lang nila for their own pleasure.
Iparamdam mo lang sa kanya na mahalaga rin siya sayo para
magkaroon siya ng lakas ng loob sa nararamdaman niya. Tulungan mo siya,
pero huwag mo agad sasabihin na gusto mo siya. Kapag mahal mo, huwag
mong pakawalan. At kapag ayaw niyang umamin at para siyang si Juan
Tamad na naghihintay bagsakan ng bayabas sa bunganga niya, eh maging
handa siya sa magiging consequences dahil pakipot pa siya. Babae lang
ang nagpapa chicks. Hirap sa ibang lalake parang ewan eh.
Yun lang! Goodluck! Kindat ^_~
No comments:
Post a Comment