Mahal mo na siya, may mahal na siyang iba -Ito ang madalas mangyari, parang mapagtuksong tadhana no? Tipong ok na nga eh, nakapagdesisyon ka na mamahalin mo na siya ulit tapos biglang may iba na agad? Para bang hindi mo alam kung ano ang nararapat mong gawin. Kapag sobrang aga mo nagsabi sasabihin parang ang bilis, at kapag naman matagal kang nagpaparamdam sasabihin eh ang kupad kasi ng galaw mo.
Sumuko ka na - sumuko ka na, sinabi mo na ang masasakit na salita, sinumbat mo na ang lahat, lahat ng hinanakit sa buhay mo, lahat ng hinanakit sa pagtitiis na ginawa mo. Wala na, sumuko ka na , sobrang huli na ng lahat, di mo na pwedeng bawiin. Malas mo pa minsan, sa oras na sumuko ka na eh yun na pala yung oras na magiging ok na ang lahat.
Natagalan kang mag move on - parati mong hinahanap yung taong nawala sayo, tapos parinig ka ng parinig na gusto mo pa siya bumalik, ayun tuloy yung mga taong may gusto sayo patuloy nawawalan ng pag-asa, dahil alam nilang wala silang pag-asa at gusto mo pa rin makabalikan yung taong nang-iwan sayo. Ano na lang iisipin nila? Wala na silang maiisip, dahil ikaw lang ang iniisip nila. Wala na, huli na ang lahat, naghanap na siguro ng iba.
Nahuli ka na niya - kitang kita ka na, aangal ka pa? Ayan kasi di ka makuntento sa isa, patuloy kang nang hahaliparot eh taken ka na. Alam mo ba na ok lang manlandi pero sa taong single lang? Nakakahiya naman manlandi na meron ka na diba? Hindi bat nakakailang yun sa taong lalandiin mo? Hindi lahat ng taong nilalandi mo ay nilalandi ka rin, minsan approachable lang sila sayo dahil alam nilang hindi mo lolokohin ang kinakasama mo, alam nilang walang patutunguhan ang pinag tritripan niyo. May kasabihan nga na hindi daw manlalamig sa taong mahal mo kung wala siyang nilalandi na iba.
No comments:
Post a Comment