Mga ilang araw na din ang lumipas matapos ang taun-taon naming medical
examination (na dating pang 1st year lang, ngayon ewan ko ba kung bakit
ginawang taun-taon lahat ng year level na). Ikekwento ko ang isa sa
pinaka- di makakalimutan, madugo, once in a lifetime, makapanindig
balahibo, nakakapag pabagong buhay na pangyayaring naganap sakin nung
araw na yun.
Isang normal na wednesday para sa isang normal na
estudyanteng katulad ko. Normal akong gumising at normal na nag-ayos,
sumakay ng jeep, at normal na pumasok. Normal ang takbo ng buhay ko non.
Normal ang mga klase. Hanggang sa umabot ang normal kong klase tuwing
10:30 na Marketing, pumasok ang normal kong teacher na may dalang
ABnormal na mensahe. "Class, I need you to go downstairs and complete
your medical exam. You must complete the process or I will not readmit
you in this class anymore". Tikas na sabe ni ma'am. Labasan kami pwera
lang sa mga ibang may stab na -- na nagsasabeng tapos na sa exam. Babaan
kami. Punta sa clinic. Kuha ng form. Fill-up. Patimbang, 72kg. fill-up.
Patingin ng height, 5'5", fill-up. Antagal. Medyo mahaba pila.
Hanggang umabot na kami sa "step" na kakausapin na ng doctor
sa isang kwarto. 1 on 1. Neeeeexxttt! Nako ako na. Okay lang. Normal
naman e. Sanay na kung baga. Natural 3rd year na ko e. Pasok ako. Upo.
Medyo masungit tong duktor a. Shet sabe ko. Suot ng stethoscope. Tinapat
sa dibdib ko yung dulong may bilog. Nililipat lipat nya ng lugar mula
dibdib hanggang likod tapos sa iba pa habang humihingi ako ng normal.
Okay na. Tinanggal nya na sa tenga yung ginamit sakin.
"May problema sa pag-ihi o pagdumi?" sabe nya.
"M-m-meron p-p-po sa pag t-t-tae." nanginginig ko pang sabe (OA ba? hehe.).
Nagpaliwanag nako agad kahit di pa
sya nagtatanong. "Pag tumatae po kase ko, kahit malambot naman yung tae,
sumasakit parin e. Ewan ko ba."
"May nakakapa ka ba pag naglilinis ka pag tapos mo dumumi?"
"Uhmm, meron po yung parang pabilog sya pero parang madulas."
"Sige teka."
Lumabas si dok. Potek teka, di
normal to a. Pangatlong beses ko na naganito pero ngayon lang lumabas si
dok habang kausap ako. Pumasok sya sa kwarto ng isang duktor na lalaki.
Kita ko sila kase nakasiwang yung kurtinang harang ng kwarto namin pati
na rin yung kurtinang pangharang sa kwarto ng kinausap na duktor.
Nagtaka na ko.
"Sige dapat makita yan. Pero dapat
yung hindi nalilito sa anatomy." Narinig kong sabe ng lalaking duktor na
kausap ng babeng duktor na kumausap sakin kanina.
"FUUUUUUUUUUUUUUCCCKKK!!!" Sigaw ko
sa sarili ko. Nataranta ako. Malinaw na sakin ang lahat. "Tang ina
susundutin nila pwet ko!" Bulong ko sa sarili ko. Naghinala na din yung
mga duktor na gaya ng hinala ko sa sarili na may almoranas ako. Okay
lang naman talaga sakin kung susundutin man tong pwet ko. Ang concern ko
lang naman, e baka mamaya, nursing student ang ipasundot sakin. Buti
nalang hinde. Whew! Yung babaeng duktor ulet na unang kumausap sakin ang
gagawa. Yes! Pinasama nya ko sa kabilang kwarto. Mabuti naman at kahoy
na ang pinto at di na kurtina. Nakakahiya naman syempre kung may
makakakita. Sinarado nya yung pinto at nilock. Kung bata at sexy lang
to, baka pinagnasahan ko na e.
"Hubarin mo na yang pants mo at underwear."
"Humiga ka ng nakatagilid dyan
tapos nakaharap yung ulo mo sa pader." sabe ng babaeng duktor habang
nakaturo sa isang medyo mahabang silyang de-foam sa gilid ng pader ng
kwarto. "Pano ho?" lang ang nasagot ko sakanya. Inulit nya sinabe nya.
Humiga daw ng nakatagili tapos nakaharap sa pader yung ulo. Hindi ko
talaga magets nung una, kaya ang ginawa ko, dumapa ako tapos nakatagilid
lang yung ulo ko patungo sa pader. Natawa sya. "Hindeee ganyan.
Pinapatawa mo naman ako e. Humiga ka ng patagilid. Alam mo ba yung
patagilid?" Tumungo ako. "O alam mo pala e."
Sa wakas nagawa ko din kung anu
yung gusto nyang posisyon na gawin ko. "O yan", sabe nya. "Tapos itupi
mo yang kanang binti mo papunta sa chan mo. Idikit mo sa chan yung tuhod
mo." Nagawa ko agad ng tama. Ngayon kitang kita nya na ang butas ng
pwet ko. Naramdaman kong papalapit ang mga kamay nyang malalamig. Yan
na. Yan na. Yan naaa"aaaaaaahhhh!" sabe ko sa sarili ko. Ramdam ko.
Naka-gloves na malamig dahil sa alcohol siguro. "aaaaaaaaaaaaaahhh!" di
masakit. Konting sarap. Ngayon gets ko na kung bakit gustong gusto
magpatira ng mga bading don. Muntik na nga ko magladlad at that moment.
(JOKE LANG!) Tantiya ko, pasok ang 1/3 ng hintuturo nya. Nilaro nya ang
daliri nya sa loob. Pakapa-kapa na tila may hinahanap. "Wala naman a",
sabe nya sabay hugot ng daliri. Tinanggal agad ang gloves. Todo hugas.
Todo sabon. Todo alcohol. Walangya, mas nakakahiya pa yun kesa sa nakita
nya na ang dapat nakatago. Pero sabagay pwet yun. Kahit ako din e. Dali
dali din akong nagsuot ng salawal at pantalon. Lumipat na kami sa unang
kwarto kung san kami nagusap. Binilinan nya ko ng mga dapat gawin. Inom
ng tubig at tumae araw araw. Nagaalcohol parin sya. Umalis na ko.
Habang naglalakad ako, nakaramdam
ako ng pagka-uneasy sa pwet ko. Parang may kung ano. Mamasa-masa.
Naalala ko, natatae nga pala ko nung umaga na yun. Sana walang lumabas
na tae habang nilalapirot nya yung pwet ko. Punta ko agad ng CR, pasok
sa cubicle. Hubad ng pantalon. Tinignan ko yung bandang pwetan ng
salawal ko. May parang basa. Parang langis. Di naman ata tae, kase di
naman amoy tae. Hanggang ngayon di ko parin alam kung ano yon. Nagdota
nalang ako para makalimutan ang nangyare pati na rin yung langis sa
pwetan ko.
No comments:
Post a Comment