Tuesday, January 14, 2014

ME vs. Ipis

Kanina, habang ginagawa ang nakasanayan ko nang maglaro-ng-dota-kapag-sabado-kase-sinusulit-ang-weekend e naramdaman kong naiihi na ko. After lunch pa ata ako nagsimula maglaro at mula nun e hindi pa ako nakakaihi. Pagpasok ko ng cr, kalas agad ng belt, bukas ng butones, baba ng zipper, at labas ng totot, ihi. ahhh. sarap. Andami kong ihi siguro mga 20. haha. choz. Andami talaga parang kabayo. Tapos parang kalagitnaan palang e napansin ko nang may ipis dun sa sulok, kalevel ko lang yung pinagdadapuan nya. At eto pa ang malupet, bukod sa natural na akong takot este nandidiri sa ipis, iba pa ang kulay neto. WHITE! as in white. buo white. pers taym ko lang makakita ng ganito. Tapos yung pakpak nya, medyo nakabuka na parang kay ipis man.  Duda ko reyna yun ng mga ipis dun. Tapos parang nangingitlog pa. Napamadali ako e. Pinilit ko na yung ihi ko. Tapos hugas ng kamay at isang buhos ng isang tabong tubig sa inidoro. Nagmadali ako lumabas, pag talikod ko, wala na yung pako na nagsisilbing (oops, ipis yung sinasabe ko dito, may biglang lumabas na ipis dito sa kwarto. Pero infairness yung normal na kulay sya.) hilaan para bumukas yung pinto. Grabe talagang pinlit ko nalang buksan kahit medyo masakit e. Mabuti naman at nakalabas ako ng maayos pa. Di ko maimagine itsura ko pag biglang naglililipad yun sa loob. Maliit pa naman yung cr. haha.

No comments:

Post a Comment