Friday, February 22, 2013

...ang babae kapag nasaktan sobra makaiyak sapagkat sila'y tunay na nagmamahal..:)

Mababaw ang luha ng mga babae, at kung gaano naman kababaw ang luha ng mga babae eh ganun naman katindi magpigil ng luha ang mga lalake. Dahil nga sa mga nangyari sobrang bigat, mas nauuna ang babae dahil mahina ang bagahe nito ng emosyon. Mahina ang loob nila, konting kibot lang, konting away, lalo na kapag mahal nila ang isang tao eh iyak agad.

Taglay na iyakin ang babae, may mga babaeng iyakin talaga. At may mga babaeng patuloy na nagtatapang tapangan but at the end of the day, luha pa rin nila ang magwawagi, parang ilog kung dumagsa ang luha sa mata. Daig pa ang bulkan kapag sumabog na ang damdamin. Poot, sakit, pighati, samut saring nararamdaman. Naguguluhan kung dapat ba siyang magalit, dahil unang una siya rin naman ang nagpasya na magmahal ng sobra.

Patuloy silang iiyak, patuloy na uubusin ang emosyon at luha. Hanggang sa masanay na lang sila at makalimutan ang problema.

No comments:

Post a Comment