Iba talaga kapag naramdaman mo ulit yung
pag-ibig na gusto mong maramdaman after mo masaktan ng ilang beses no? Tipong
hindi ka natatakot sumubok ulit dahil may isang taong handang sumakay ulit sa
byahe ng buhay mo. Napaka astig talaga ng kasabihang kapag may mawawala may
dadating. At nagkataon na dumating din agad ito ng wala sa oras na inaasahan
mo. Minsan mapapatanong ka sa sarili mo kung pagmamahal na ba yung nararamdaman
mo o mahina ka lang kaya lahat ng ginagawa niya sayo eh sobrang laki ng meaning
sayo? Pero once na naisip mo to ibig sabihin nun nagmamahal ka na eh, kasi
iniintindi mo na yung mga ganung bagay.
Nakakatuwa minsan eh. Tipong hindi mo
hinihintay, pero may dumating. Tipong malungkot ka, pero may nagpasaya. Tipong
gusto mong mag-isa, pero may gustong sumama na hindi mo nahindian dahil
napakagaan ng loob mo sa kanya.
Hindi mo maipapaliwanag yung nararamdaman mo eh.
Para bang first love na naramdaman mo nung Elementary ka or nung Highschool.
Iba eh no? Sarap magmahal ulit after ng matinding nangyari sayo no? Sabi ko sa
inyo eh. Huwag susuko. At may maganda palaging darating sa buhay natin.
No comments:
Post a Comment