Madalas natin itanong ito kapag nasasaktan tayo.
Bakit masakit kapag iniwan tayo ng isang taong mahal natin. Siguro dahil sa
nasanay kang importante ka sa kanya? Siguro dahil sa binigay niyang oras dati.
Tapos ikaw naman tong si tanga, binigyan lahat ng ibig sabihin ang lahat ng
ginagawa niya. Kasi nga, sa lahat ng taong malalapit sayo siya lang ang
napapansin mong nag eeffort. Pero hindi ibig sabihin nun eh espesyal ka na sa
kanya. Sa pagkakaalam ko kasi ang mahalaga at espesyal eh may pinagkaiba rin.
Ang taong mahalaga sa buhay ng isang tao eh yung
mga taong andyan lang palagi. Yung mga taong ayaw mo ring mawala sa buhay mo.
At ang taong espesyal naman eh yung mga taong mahalaga na at may parang special
treatment. Tipong may concern factor at alaga factor. Gets?
Ang mahirap kasi sa parte ng babae eh nahihirapan
sila magtanong kung may pinaparating ba ang lalake dahil ayaw nila lumabas na
nag aassume sila kahit na deep inside may inaassume na sila sa lalakeng yun.
At ang mahirap naman sa parte ng lalake eh yung
paramdam sila ng paramdam pero natatakot silang umamin dahil nga natatakot
silang umalis sa comfort zone. Dahil baka magbago ang lahat.
Nakakatuwa na sa likod ng sakit na nararamdaman
eh hindi pa rin sumusuko ang tao sa paghahanap ng taong mamahalin nila. Well,
we live to love.
...salamat sa pagbabasa.:)
No comments:
Post a Comment