Kailangan mo pa ba ng wake up call para gawin ang
mga bagay kung kailan huli na ang lahat?
Kailangan mo pa ba ng wake up call para gawin ang
mga bagay kung kailan wala na yung mga taong makaka appreciate nito?
Madalas ang tao nagbabago depende sa nangyayari
sa buhay niya, lalo na yung mga wake up call na tinatawag natin sa buhay.
Kumbaga yung mga wake up call na ito yung life changing.
Example:
Trahedya
Trahedyang nangyari sa Ondoy. Isang matinding
Wake Up Call ito sa mga Pilipino na dapat handa palagi tayo, na kailangan natin
ng mga bagay na panlaban sa baha, kailangan natin ayusin at ilikas ang mga tao
sa mga matataas na lugar para maiwasan ang landslides.
Paaralan
Kapag bagsak ka palagi at nakita mong
gumagraduate na ang mga kaibigan mo/kasabayan mo. Hindi ba’t dapat magising ka
na sa katotohanan na kailangan mo ng magseryoso? Na hindi mo matatakasan ang
lahat ng subjects mo kung hindi mo ipapasa ang lahat ng ito? Na uulitin mo lang
ito palagi kapag binagsak mo ito? So why bother ibagsak? Kung pwede namang
mag-aral at ito ay iyong ipasa? Para sayo rin naman to eh. Ikaw ang mag
bebenefit at hindi ang ibang tao.
Pag-ibig
Kapag naloko ka ng lubusan. Na two timer ka,
nakabuntis ang boyfriend mo, nabuntis ang girlfriend mo ng ibang lalake, ginawa
ka ng tanga pero nandyan ka pa rin, yung ka relasyon mong kaya kang tiisin,
kaya kang paikutin. Hindi ba’t isa ito sa mga wake up call na dapat mo na
siyang pakawalan? Na kailangan mo ng bigyan ang oras mo maging masaya at lumayo
sa problema?
Pamilya
Eto madalas ang wake up call ng isang
tao. Nag-iiba ang pananaw niya kapag bigla siyang naiwan ng magulang sa murang
edad. Sige, sabihin na rin natin sa edad na sobrang nakakaintindi ka na ng mag
bagay-bagay. Dito mo palang gagawin yung mga bagay na inuutos dati ng magulang
mo nung nabubuhay pa sila. Pero dahil nga bigla kang iniwan, bigla kang
magbabago. Gagawin mo ito. Pero nasaan na yung taong sana eh naka appreciate nito?
Sana huwag ganito ang mangyari sa karamihan. Gawin niyo agad ang mga gusto ng
magulang niyo, walang ginusto ang magulang kundi mapaganda ang buhay ng
kanilang anak. Ayaw kasi nila dumating sa future na kung kailan wala na sila eh
dun ka maghihirap. Malulungkot sila dahil wala na silang magawa para matulungan
ka.
...salamat sa pagbabasa.:)
No comments:
Post a Comment