Wednesday, February 20, 2013

Sa pag-ibig kailangan ng tamang tyempo! Huwag uura-urada..:)

Hindi yung bara bara mong gagawin at sasabihin na gusto mo siya. Hindi yung sasalakay ka agad para makuha ang puso niya. Kailangan natin ng timing, kailangan ng oras para mapa sa atin ang isang tao.

Kunwari, kaka break pa lang nila. Alangan naman sabihin mong liligawan mo agad siya hindi ba? Syempre tsaka mo palang sasabihin yun kapag naka move on na siya. Ayaw naman natin sigurong mahalin tayo dahil malungkot lang sila.

Kunwari ulit, kakakilala niyo palang sa isat-isa. Hindi naman sa unang araw palang eh sasabihin mo sa kanya na gusto mo siya. Sa tingin mo ba paniniwalaan ka niya? Hindi lahat ng tao eh makukuha mo sa unang araw ng pagkakilala at mapapasagot mo rin sa araw na yon. Pag ginawa mo agad yan eh, anu yang puso mo yan? Pang CLAN? Unang Hi at Hello agad eh may feelings na?

Kapag may gusto ang taong gusto mo sa iba, kailangan mo din ng timing. Ipakita mo lang na nandiyan ka palagi. Paglaanan mo ng oras, patunayan mo na mahalaga at importante siya sayo. Hindi mo pwedeng sabihin na gusto mo rin siya. Lalo lang siya maguguluhan, dalawa na kayong proproblemahin niya. Hindi ba’t maganda na ikaw muna ang pinagsasabihan ng problema niya? Tiis tiis lang. Darating rin ang panahon na makikita ka niya. Ika nga, “good things happen to those who wait.” Ito pa, “ patience is a virtue.”

Kaya huwag mawawalan ng pag-asa. Minsan timing lang talaga, tamang tyempo. Lakasan lang rin ng loob minsan. Marunong ka namang makiramdam eh. Alam kong kaya mo yan.

...salamat sa pagbabasa..:)
..to read more, you can click the HOME.:)

No comments:

Post a Comment