Minsan naisip mo na ba na ano nga kaya ang
pinaguusapan ng tao kung wala ka sa harap nila? Kung ano yung mga bagay na
hindi mo alam na sinasabi nila tungkol sayo? Kasi kahit naman gumawa ka ng
mabuti, may butas pa rin yan sa paninira. At kahit may gawin ka man o wala,
laging may sasabihin sila tungkol sayo. Pero ang masaya na lang dun eh yung
kahit nakatalikod ka eh magandang komento pa rin ang iyong natatanggap. Paano
nga kaya yun no? Parang napakasarap malaman yung mga bagay na nasasabi nila kapag
wala ka sa harap nila.
O kaya naman naiisip mo na…"What if ako yung
topic?”
Tipong iisipin mo kung saan iikot ang pag-uusapan
nila like…
"Ahh malandi yun!"
"Ay sobrang bait nun!"
"Ay grabe ugali nun! Napakasama."
"Sobrang tunay na kaibigan yun, hindi ka talaga
iiwan sa gitna ng laban."
At marami pang iba.
Pero minsan mas nanaisin mo na lang na wala kang
alam, kahit ang panget sa pakiramdam na parang pinaplastic ka na lang nila. Sa
tingin ko hindi naman tayo binuhay para i please ang lahat ng tao. Sabi nga, “you
cannot please everybody.”
Siguro sapat na yung ginagawa mo lang ang dapat at
nagpapakatotoo ka sa sarili mo. Hirap kasi sa ibang tao yung pagpapakatotoo sa
sarili eh yung mga bagay na gusto nila. Paano ka magpapakatotoo kung
dinidiktahan ka nila ng dapat mong gawin diba? Tipong masamang tao ka agad sa
kanila once na hindi mo sila na please.
No comments:
Post a Comment