Tandaan mo na pwede kang magselos, kahit na wala
kang karapatan basta may nararamdaman right? Pero hindi mo siya pwedeng
kontrolin sa mga taong kinakausap niya, kasi unang una, yun ang hindi mo
karapatan; ang kontrolin yung mga taong kinakausap niya, normal na may kaibigan
yan. Wala ka pa, nandyan na mga kaibigan nyan.
Huwag mo siyang bigyan ng idea gaano mo siya
sasakalin kapag naging kayo na, pero sure nga bang magiging kayo? Bago mo siya
bigyan ng oras eh bigyan mo muna ng oras sa sarili mo. Kasi nga if ever
“magiging kayo” kakainin ng relasyon niyo kahit papano yung oras niyo. Hindi na
uubra yung pa petiks petiks na ginagawa mo kasi wala ka pang commitment.
So
kapag meron ka na, umpisa na yan ng araw na may mag dedemand ng oras mo, may
magagalit na kapag hindi ka nagtext at kung ano pa mang lack of communication
magkakaroon kayong dalawa. So stayput lang, pag hindi pa kayo. Patunayan
mo na nandyan ka lang palagi kapag kailangan niya ng kausap.
Kaya ayun, easy lang muna sa buhay. Enjoyin mo
ang buhay mag-isa habang wala pa. Malay mo, magsisi ka sa huli. Sa padalos
dalos mong ginawa eh maisip mo sa sarili mong mas masaya pa pala maging single
kesa ngayon na nasa relasyon ka nga malungkot ka naman.
No comments:
Post a Comment