Ano ba ang gagawin kapag ayaw mo sa isang tao?
Eh kung matapang ka simple lang, prangkahin mo
lang agad. Pero syempre bago mo prangkahin ilagay mo muna ang sarili mo sa
kanila. Syempre napakasakit ma reject nga naman ng isang tao kapag gagawin mo
yun. Malay mo gusto lang makipag kaibigan. O kaya naman kaya nagiging awkward
siya eh dahil pinipilit niyang makamit ang standards mo. Tska isipin mo dapat
kung ano ba ang mawawala sayo kapag nawala siya sa buhay mo. Tatahimik ba ang
buhay mo? Sasaya ka ba? O may mga taong mawawala kapag nawala rin siya?
Nasasayo naman yun eh, kung kaya mo siyang mawala
edi walang problema. Kung ayun ang magpapagaan ng loob mo dahil sobrang irita
ka na edi ipasintabi mo na ang konsensya. Hindi naman palagi dapat i eentertain
natin ang mga tao eh. Kung nakakasagabal na ito sa buhay natin eh dapat na
talagang ilayo o umiwas sa taong ito. Sabihin mo lang ng maayos, na ayaw mo ng
presence niya. Pero hangga’t maari in a nice way para hindi masyadong Rude.
Palagi mo lang tatandaan na dapat maingat ka sa lahat ng salitang bibitawan mo.
Pero ang pinaka the best eh yung huwag mo ng
patagalin pa. Kapag gusto ka ng tao at ayaw mo. Sabihan mo agad na hindi mo
siya gusto para hindi mo siya mabigyan ng false hopes. Baka nga naman kasi
umaasa yan kaya buntot ng buntot sayo eh. Tandaan mo na ayan ang pinakamahirap
gawin, ang pag reject ng isang tao.
>:)=D
No comments:
Post a Comment