Wednesday, February 20, 2013

...kung pwede lang manligaw ang babae, eh matagal na nilang ginawa yun!

Ito yung mga babaeng sobrang mahal nila yung lalake, na wala namang ginagawang aksyon yung lalake sa kanila. Pero take note: Malambing yung lalake sa kanila ha?

Minsan mapapaisip sila, anu ba talaga ang motibo ng lalakeng ito sa akin? Bakit siya nanlalambing? Bakit siya nag iiloveyou sakin? Pero ayaw niya manligaw? Ang hirap naman mag assume kasi, kaya hintayin ko na lang siguro siya. Baka sakaling gusto niya rin ako.

Ito ang mahirap na parte sa babae, wala silang magagawa kundi maghintay ng taong magmamahal sa kanila. Kasi panget nga naman sa babae ang nanliligaw, wala sa kultura ng babae Pilipina yun. Kaya ang salitang paghihintay ay para sa babae, at ang salitang paghahanap ay para lamang sa lalake.

Marami kasi ang babaeng umaasa na may magmamahal sa kanila, may mga babaeng gustong maranasan ang pakiramdam ng nililigawan. Gusto lang naman nila maging prinsesa sa buhay ng kanilang pinapangarap na prinsipe.

Gusto na rin kasi nilang sabihin sa buong mundo na...

“Ang sarap lang talaga magmahal”

No comments:

Post a Comment