Diretsuhin mo na lang yung mga taong hindi mo
gusto at iniirita ang araw mo. Payo ko sa mga babaeng gusto munang manahimik sa
buhay, para mawala na yang mga admirers na puro pambobola lang naman ang
ginagawa at binabalak kayong gawing porselana dahil ibabalandra nila sa MALL
ang inyong ganda.
May mga tao kasing maprepresko at sasabihin lahat
ng mabubulaklak na bagay sayo, kaso madaling malanta yung mga salitang iyon.
Diretsuhin mo, mahirap kapag ikaw ang naloko, ikaw ang napabilang at napasama
para makumpleto ang kalendaryo niya ng babae na isusunod sayo.
Hindi mo naman kailangan ng taong mamahalin
pangsamantala kung may kaibigan ka naman na laging nandiyan sayo para mahalin
ka at mapasaya. Maraming taon, maraming araw, pakasaya ka muna sa buhay mong
yan.
Ganito ang sabihin mo:
Kesa sa umasa ka at ibigay ang lahat ng
effort mo sakin, ngayon palang sinasabi ko sayo na wala kang pag-asa, yes as in
walang pag-asa. Ibigay mo ang effort na yan sa iba, kung gusto mo bumili ka ng
efflen para landingan ang effort mo. Huwag ako, hindi ako ang para sayo, para
sa ibang babae ka. Hindi ako ang tipo mo. Maniwala ka sakin. Kesa sa umasa at
masaktan ka sa huli, sinasabi ko na sayo ito. Hindi talaga tayo.
O diba? Parang movie line lang. Ganyan lang naman
kung talagang iritang irita ka na eh.
Mahahalata mo naman sa isang tao kung gusto ka
niya talaga, yung hindi yung taong sobrang agresibo, yung lalakeng rerespeto ng
pagkababae mo, at yung lalakeng rerespeto din ng privacy mo sa buhay. Yung
lalakeng marunong maghintay. Sa tingin ko yun ang para sayo :)
...salamat sa pagbabasa..:)
...to read more, you can click the HOME.:)
No comments:
Post a Comment