Marami sa mga taong as in pasok sa henerasyon ngayon eh mga taong
walang respeto at mapanghusga. Simula ng pumasok ang impluwensya ng
Internet sa Pilipinas. Biglang nag-iba ang takbo ng ugali ng mga
kabataan, kumbaga ginawa nilang sandalan ang Internet, ginawa nilang
buhay ito. Mga kabataan na ipinagpalit ang buhay sa labas alang alang sa
buhay sa Internet. Mga kabataan na hindi lumalabas ng bahay at nauubos
ang oras para makapansira ng kapwa, kanya kanyang inggitan, at ang
kanilang nararamdaman eh diretso sa Internet na. Lalo na yung mga taong
nasa murang edad eh sobrang curious na agad sa mga bagay bagay.
Maniwala ka sa hindi. Sobrang laki talaga ng pinagbago.
No comments:
Post a Comment